Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 67:1-7

Sa tagapangasiwa ng mga panugtog na de-kuwerdas. Isang awitin, isang awit. 67  Pagpapakitaan tayo ng lingap ng Diyos at pagpapalain niya tayo;+ Pasisinagin niya sa atin ang kaniyang mukha+Selah   Upang ang iyong daan ay malaman sa lupa,+ Ang iyong pagliligtas maging sa gitna ng lahat ng bansa.+   Purihin ka nawa ng mga bayan, O Diyos;+ Purihin ka nawa ng mga bayan, nilang lahat.+   Magsaya nawa ang mga liping pambansa at humiyaw nang may kagalakan,+ Sapagkat hahatulan mo ang mga bayan sa katuwiran;+ At kung tungkol sa mga liping pambansa, papatnubayan mo sila sa lupa. Selah.   Purihin ka nawa ng mga bayan, O Diyos;+ Purihin ka nawa ng mga bayan, nilang lahat.+   Ang lupa ay tiyak na magbibigay ng bunga nito;+ Ang Diyos, ang ating Diyos, ay magpapala sa atin.+   Pagpapalain tayo ng Diyos,+ At ang lahat ng mga dulo ng lupa ay matatakot sa kaniya.+

Talababa