Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 66:1-20

Sa tagapangasiwa. Isang awit, isang awitin. 66  May-pagbubunyi kayong sumigaw sa Diyos, lahat kayong mga tao sa lupa.+   Umawit kayo ukol sa kaluwalhatian ng kaniyang pangalan.+ Gawin ninyong maluwalhati ang papuri sa kaniya.+   Sabihin ninyo sa Diyos: “Anong kakila-kilabot ng iyong mga gawa!+ Dahil sa kasaganaan ng iyong lakas ay susukut-sukot na paroroon sa iyo ang iyong mga kaaway.+   Ang lahat ng tao sa lupa ay yuyukod sa iyo,+ At aawit sila sa iyo, aawit sila sa iyong pangalan.”+ Selah.   Halikayo at tingnan ang mga gawa ng Diyos.+ Ang kaniyang pakikitungo sa mga anak ng mga tao ay kakila-kilabot.+   Ginawa niyang tuyong lupa ang dagat;+ Sa ilog ay tumawid silang naglalakad.+ Doon ay nagsimula kaming magsaya sa kaniya.+   Siya ay namamahala sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan hanggang sa panahong walang takda.+ Ang kaniyang mga mata ay nagbabantay sa mga bansa.+ Kung tungkol sa mga sutil, huwag silang magmalaki.+ Selah.   Pagpalain ninyo ang ating Diyos, O kayong mga bayan,+ At iparinig ninyo ang tinig ng papuri sa kaniya.+   Itinatatag niya ang ating kaluluwa sa buhay,+ At hindi niya ipinahihintulot na makilos ang ating paa.+ 10  Sapagkat sinuri mo kami, O Diyos;+ Dinalisay mo kaming gaya ng pagdalisay sa pilak.+ 11  Ipinasok mo kami sa pangasong lambat;+ Pinabigatan mo ang aming mga balakang. 12  Pinaraan mo ang taong mortal sa ibabaw ng aming ulo;+ Dumaan kami sa apoy at sa tubig,+ At dinala mo kami sa kaginhawahan.+ 13  Papasok ako sa iyong bahay taglay ang mga buong handog na sinusunog;+ Tutuparin ko sa iyo ang aking mga panata+ 14  Na ibinuka ng aking mga labi upang sabihin+ At sinalita ng aking bibig noong ako ay nasa kagipitan.+ 15  Mga buong handog na sinusunog na mga patabain ang ihahandog ko sa iyo,+ Na may haing usok ng mga barakong tupa. Maghahandog ako ng toro na may kasamang mga kambing na lalaki.+ Selah. 16  Halikayo, makinig kayo, lahat kayong natatakot sa Diyos, at isasaysay ko+ Kung ano ang ginawa niya para sa aking kaluluwa.+ 17  Sa kaniya ay tumawag ako sa pamamagitan ng aking bibig,+ At nagsagawa ng pagdakila ang aking dila.+ 18  Kung may isinasaalang-alang akong nakasasakit na bagay sa aking puso, Hindi ako diringgin ni Jehova.+ 19  Tunay na dininig ng Diyos;+ Nagbigay-pansin siya sa tinig ng aking panalangin.+ 20  Pagpalain nawa ang Diyos, na hindi nagwaksi ng aking panalangin, Ni ng kaniyang maibiging-kabaitan mula sa akin.+

Talababa