Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 65:1-13

Sa tagapangasiwa. Awitin ni David. Isang awit. 65  Para sa iyo ay may papuri—katahimikan—, O Diyos, sa Sion;+ At sa iyo ay tutuparin ang panata.+   O Dumirinig ng panalangin, sa iyo nga ay paroroon ang mga tao mula sa lahat ng laman.+   Ang mga bagay na may kamalian ay naging mas malakas kaysa sa akin.+ Kung tungkol sa aming mga pagsalansang, ikaw ang magtatakip sa mga iyon.+   Maligaya siya na iyong pinipili at pinalalapit,+ Upang tumahan siya sa iyong mga looban.+ Kami ay tunay na masisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay,+ Ang banal na dako ng iyong templo.+   Sasagutin mo kami ng mga kakila-kilabot na bagay sa katuwiran,+ O Diyos ng aming kaligtasan,+ Ang Tiwala ng lahat ng hanggahan ng lupa at niyaong mga nasa dagat sa malayo.+   Itinatatag niya nang matibay ang mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan;+ Siya ay nabibigkisan nga ng kalakasan.+   Pinatatahimik niya ang ingay ng mga dagat,+ Ang ingay ng kanilang mga alon at ang kabagabagan ng mga liping pambansa.+   At ang mga tumatahan sa mga kadulu-duluhang bahagi ay matatakot sa iyong mga tanda;+ Ang mga pagsapit ng umaga at ng gabi ay pinahihiyaw mo nang may kagalakan.+   Ibinaling mo ang iyong pansin sa lupa, upang mabigyan mo ito ng kasaganaan;+ Lubha mo itong pinayayaman. Ang bukal mula sa Diyos ay punô ng tubig.+ Inihahanda mo ang kanilang butil,+ Sapagkat ganiyan mo inihahanda ang lupa.+ 10  Dinidilig ang mga tudling nito, pinapatag ang mga kimpal nito;+ Pinalalambot mo ito sa saganang ulan; pinagpapala mo ang mismong mga sibol nito.+ 11  Ang taon ay pinutungan mo ng iyong kabutihan,+ At ang iyo mismong mga landas ay tumutulo sa katabaan.+ 12  Ang mga pastulan sa ilang ay tumutulo,+ At nagbibigkis ng kagalakan ang mga burol.+ 13  Ang mga pastulan ay nadaramtan ng mga kawan,+ At ang mabababang kapatagan ay nababalutan ng butil.+ May-pagbubunyi silang sumisigaw, oo, umaawit sila.+

Talababa