Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 64:1-10

Sa tagapangasiwa. Awitin ni David. 64  Dinggin mo, O Diyos, ang aking tinig dahil sa aking pagkabahala.+ Mula sa panghihilakbot sa kaaway ay ingatan mo nawa ang aking buhay.+   Ikubli mo nawa ako mula sa lihim na usapan ng mga manggagawa ng kasamaan,+ Mula sa pagkakagulo ng mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit,+   Na nagpatalas ng kanilang dila na gaya ng tabak,+ Na nag-asinta ng kanilang palaso, ang mapait na pananalita,+   Upang panain mula sa mga kubling dako yaong walang kapintasan.+ Bigla nila siyang pinapana at hindi natatakot.+   Nangungunyapit sila sa masamang pananalita;+ Nag-uusap sila tungkol sa pagtatago ng mga bitag.+ Sinabi nila: “Sino ang nakakakita ng mga iyon?”+   Sinasaliksik nila ang mga bagay na di-matuwid;+ Nagtago sila ng tusong katha na sinaliksik nang mainam,+ At ang panloob na bahagi ng bawat isa, ang kaniya ngang puso, ay malalim.+   Ngunit biglang ipapana sa kanila ng Diyos ang isang palaso.+ Sila ay nagkasugat,+   At sila ay naninisod.+ Ngunit ang kanilang dila ay laban sa kanilang sarili.+ Ang lahat ng tumitingin sa kanila ay mag-iiling ng kanilang ulo,+   At ang lahat ng makalupang tao ay matatakot;+ At magpapahayag sila tungkol sa gawa ng Diyos,+ At tiyak na magkakaroon sila ng kaunawaan sa kaniyang gawa.+ 10  At ang matuwid ay magsasaya kay Jehova at manganganlong sa kaniya;+ At ang lahat ng matapat ang puso ay maghahambog.+

Talababa