Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 63:1-11

Awitin ni David, nang siya ay nasa ilang ng Juda.+ 63  O Diyos, ikaw ang aking Diyos, lagi kitang hinahanap.+ Ang aking kaluluwa ay nauuhaw sa iyo.+ Dahil sa iyo ay nanlulupaypay sa pananabik ang aking laman Sa isang lupaing tuyo at lupaypay, na walang tubig.+   Sa gayon ay namasdan kita sa dakong banal,+ Sa pagkakita sa iyong lakas at sa iyong kaluwalhatian.+   Sapagkat ang iyong maibiging-kabaitan ay mas mabuti kaysa sa buhay,+ Papupurihan ka ng aking mga labi.+   Sa gayon ay pagpapalain kita sa buong buhay ko;+ Sa iyong pangalan ay itataas ko ang aking mga palad.+   Waring sa pinakamainam na bahagi, sa katabaan nga, ay nabubusog ang aking kaluluwa,+ At sa pamamagitan ng mga labi na may mga hiyaw ng kagalakan ay naghahandog ng papuri ang aking bibig.+   Kapag naaalaala kita sa aking higaan,+ Sa mga pagbabantay sa gabi ay binubulay-bulay kita.+   Sapagkat ikaw ay naging tulong sa akin,+ At sa lilim ng iyong mga pakpak ay humihiyaw ako nang may kagalakan.+   Ang aking kaluluwa ay maingat na sumunod sa iyo;+ Sa akin ay nakahawak nang mahigpit ang iyong kanang kamay.+   Kung tungkol sa mga naghahanap sa aking kaluluwa upang ipahamak iyon,+ Sila ay hahantong sa pinakamabababang bahagi ng lupa.+ 10  Sila ay ibibigay sa kapangyarihan ng tabak;+ Sila ay magiging isang piraso lamang ng pagkain para sa mga sorra.+ 11  At ang hari ay magsasaya sa Diyos.+ Ang bawat sumusumpa sa pamamagitan niya ay maghahambog,+ Sapagkat ang bibig niyaong mga nagsasalita ng kabulaanan ay patitigilin.+

Talababa