Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 62:1-12

Sa tagapangasiwa ng Jedutun. Awitin ni David. 62  Tunay na sa Diyos ay naghihintay nang may katahimikan ang aking kaluluwa.+ Nagmumula sa kaniya ang aking kaligtasan.+   Tunay na siya ang aking bato at aking kaligtasan, ang aking matibay na kaitaasan;+ Hindi ako lubhang makikilos.+   Hanggang kailan kayo magngangalit laban sa taong papaslangin ninyo?+ Kayong lahat ay tulad ng pader na nakahapay, isang batong pader na ibinubuwal.+   Tunay na sila ay nagpapayo upang hikayatin ang isa mula sa kaniyang dangal;+ Nalulugod sila sa kasinungalingan.+ Sa pamamagitan ng kanilang bibig ay nagpapala sila, ngunit sa loob nila ay sumusumpa sila.+ Selah.   Sa Diyos nga ay maghintay ka nang tahimik, O kaluluwa ko,+ Sapagkat nagmumula sa kaniya ang aking pag-asa.+   Tunay na siya ang aking bato at aking kaligtasan, ang aking matibay na kaitaasan;+ Hindi ako makikilos.+   Nasa Diyos ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian.+ Ang aking matibay na bato, ang aking kanlungan ay nasa Diyos.+   Magtiwala kayo sa kaniya sa lahat ng panahon, O bayan.+ Sa harap niya ay ibuhos ninyo ang inyong puso.+ Ang Diyos ay kanlungan para sa atin.+ Selah.   Tunay na ang mga anak ng makalupang tao ay isang singaw,+ Ang mga anak ng sangkatauhan ay kasinungalingan.+ Kapag inilagay sila sa timbangan ay mas magaan silang lahat kaysa sa isang singaw.+ 10  Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa pandaraya,+ Ni maging walang-kabuluhan man dahil sa tahasang pagnanakaw.+ Sakaling ang kabuhayan ay umunlad, huwag ninyong ituon ang inyong puso sa mga iyon.+ 11  Minsang nagsalita ang Diyos, makalawang ulit ko ngang narinig ito,+ Na ang kalakasan ay nauukol sa Diyos.+ 12  Ang maibiging-kabaitan din ay nauukol sa iyo, O Jehova,+ Sapagkat ginagantihan mo ang bawat isa ayon sa kaniyang gawa.+

Talababa