Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 61:1-8

Sa tagapangasiwa ng mga panugtog na de-kuwerdas. Ni David. 61  Dinggin mo, O Diyos, ang aking pagsusumamo.+ Bigyang-pansin mo ang aking panalangin.+   Mula sa dulo ng lupa ay sisigaw ako, sa iyo nga, kapag nanghina ang aking puso.+ Patnubayan mo nawa ako sa ibabaw ng bato na mas mataas kaysa sa akin.+   Sapagkat ikaw ay naging isang kanlungan para sa akin,+ Isang matibay na tore sa harap ng kaaway.+   Ako ay magiging panauhin sa iyong tolda hanggang sa mga panahong walang takda;+ Manganganlong ako sa kublihan ng iyong mga pakpak.+ Selah.   Sapagkat ikaw, O Diyos, ay nakinig sa aking mga panata.+ Ibinigay mo sa akin ang pag-aari niyaong mga may takot sa iyong pangalan.+   Mga araw ay idaragdag mo sa mga araw ng hari;+ Ang kaniyang mga taon ay magiging tulad ng sali’t salinlahi.+   Mananahanan siya hanggang sa panahong walang takda sa harap ng Diyos;+ O mag-atas ka ng maibiging-kabaitan at katapatan, upang maingatan siya ng mga ito.+   Kaya aawit ako sa iyong pangalan magpakailanman,+ Upang matupad ko ang aking mga panata sa araw-araw.+

Talababa