Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 60:1-12

Sa tagapangasiwa ng Liryo ng Paalaala. Miktam. Ni David. Para sa pagtuturo.+ Nang makipaglaban siya sa Aram-naharaim at sa Aram-Zoba, at bumalik si Joab at sinaktan ang Edom sa Libis ng Asin, ang labindalawang libo nga.+ 60  O Diyos, itinakwil mo kami, dinaluhong mo kami,+ Nagalit ka. Papanauliin mo kami.+   Pinauga mo ang lupa, pinabuka mo ito.+ Pagalingin mo ang mga sira nito, sapagkat ito ay nakilos.+   Pinangyari mong makakita ng kahirapan ang iyong bayan.+ Pinainom mo kami ng alak anupat kami ay sumuray-suray.+   Binigyan mo ng hudyat yaong mga may takot sa iyo+ Upang tumakas nang paliku-liko dahil sa busog. Selah.   Upang ang iyong mga minamahal ay masagip,+ O magligtas ka sa pamamagitan ng iyong kanang kamay at sagutin mo kami.+   Ang Diyos ay nagsalita sa kaniyang kabanalan:+ “Ako ay magbubunyi, ibibigay ko ang Sikem bilang isang bahagi;+ At ang mababang kapatagan ng Sucot ay susukatin ko.+   Ang Gilead ay sa akin at ang Manases ay sa akin,+ At ang Efraim ay tanggulan ng aking pangulo; Ang Juda ay aking baston ng kumandante.+   Ang Moab ay aking hugasan.+ Sa Edom ay ihahagis ko ang aking sandalyas.+ Sa Filistia ay may-pagbubunyi akong sisigaw.”+   Sino ang magdadala sa akin sa kinubkob na lunsod?+ Sino ba ang talagang papatnubay sa akin hanggang sa Edom?+ 10  Hindi ba ikaw, O Diyos, na siyang nagtakwil sa amin+ At siyang hindi lumalabas na kasama ng aming mga hukbo bilang Diyos?+ 11  Tulungan mo kami mula sa kabagabagan,+ Sapagkat ang pagliligtas ng makalupang tao ay walang kabuluhan.+ 12  Mula sa Diyos ay magtatamo kami ng kalakasan,+ At siya ang yuyurak sa aming mga kalaban.+

Talababa