Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 6:1-10

Sa tagapangasiwa ng mga panugtog na de-kuwerdas sa mababang oktaba.+ Awitin ni David. 6  O Jehova, huwag mo akong sawayin sa iyong galit,+ At sa iyong pagngangalit ay huwag mo akong ituwid.+   Pagpakitaan mo ako ng lingap, O Jehova, sapagkat ako ay naglalaho.+ Pagalingin mo ako,+ O Jehova, sapagkat ang aking mga buto ay nangangatog.   Oo, ang aking kaluluwa ay lubhang naliligalig;+ At ikaw, O Jehova—hanggang kailan?+   Bumalik ka,+ O Jehova, sagipin mo ang aking kaluluwa;+ Iligtas mo ako alang-alang sa iyong maibiging-kabaitan.+   Sapagkat sa kamatayan ay walang pagbanggit sa iyo;+ Sa Sheol ay sino ang pupuri sa iyo?+   Ako ay nanghimagod sa aking kabubuntunghininga;+ Buong gabi ay pinalalangoy ko ang aking higaan;+ Pinaaapawan ko ng aking mga luha ang aking kama.+   Dahil sa kaligaligan ay nanghihina ang aking mata,+ Tumanda ito dahil sa lahat niyaong mga napopoot sa akin.+   Lumayo kayo sa akin, lahat kayong nagsasagawa ng bagay na nakasasakit,+ Sapagkat tiyak na diringgin ni Jehova ang hibik ng aking pagtangis.+   Diringgin nga ni Jehova ang aking paghiling ng lingap;+ Tatanggapin ni Jehova ang aking panalangin.+ 10  Ang lahat ng aking kaaway ay lubhang mapapahiya+ at maliligalig; Uurong sila, bigla silang mapapahiya.+

Talababa