Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 59:1-17

Sa tagapangasiwa. “Huwag kang magpahamak.” Ni David. Miktam. Nang magsugo si Saul, at binabantayan nila ang bahay, upang patayin siya.+ 59  Iligtas mo ako mula sa aking mga kaaway, O Diyos ko;+ Ipagsanggalang mo nawa ako mula sa mga bumabangon laban sa akin.+   Sagipin mo ako mula sa mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit,+ At iligtas mo ako mula sa mga taong may pagkakasala sa dugo.   Sapagkat, narito! inaabangan nila ang aking kaluluwa;+ Dinadaluhong ako ng malalakas,+ Hindi dahil sa aking pagsalansang, ni sa anumang kasalanan ko, O Jehova.+   Bagaman walang kamalian, tumatakbo sila at naghahanda.+ Gumising ka sa aking pagtawag at tingnan mo.+   At ikaw, O Jehova na Diyos ng mga hukbo, na Diyos ng Israel.+ Gumising ka upang ibaling ang iyong pansin sa lahat ng mga bansa.+ Huwag kang magpakita ng lingap sa sinumang mapanakit na mga traidor.+ Selah.   Lagi silang bumabalik sa kinagabihan;+ Tumatahol silang gaya ng aso+ at lumilibot sa lunsod.+   Narito! Pinabubukal nila ang kanilang bibig;+ Mga tabak ang nasa kanilang mga labi,+ Sapagkat sino ang nakikinig?+   Ngunit pagtatawanan mo sila, O Jehova;+ Ilalagay mo sa kaalipustaan ang lahat ng mga bansa.+   O aking Kalakasan, mananatili akong nagbabantay sa iyo;+ Sapagkat ang Diyos ang aking matibay na kaitaasan.+ 10  Ang Diyos ng maibiging-kabaitan sa akin ang siyang sasalubong sa akin;+ Pangyayarihin ng Diyos na pagmasdan ko ang aking mga kagalit.+ 11  Huwag mo silang patayin, upang ang aking bayan ay hindi makalimot.+ Sa pamamagitan ng iyong kalakasan ay pagala-galain mo sila,+ At ibagsak mo sila, O aming kalasag na si Jehova,+ 12  Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig, ang salita ng kanilang mga labi;+ At mahuli nawa sila sa kanilang pagmamapuri,+ Dahil nga sa pagsumpa at sa panlilinlang na kanilang inuulit-ulit. 13  Sa pagngangalit ay pasapitin mo sila sa kawakasan;+ Pasapitin mo sila sa kawakasan, upang sila ay mawala; At malaman nawa nila na ang Diyos ay namamahala sa Jacob hanggang sa mga dulo ng lupa.+ Selah. 14  At pabalikin mo nawa sila sa kinagabihan; Patahulin mo nawa silang gaya ng aso at palibutin mo sila sa lunsod.+ 15  Pagala-galain mo nawa ang mga ito upang humanap ng makakain;+ Huwag mo nawa silang busugin o patuluyin sa buong magdamag.+ 16  Ngunit kung tungkol sa akin, ako ay aawit tungkol sa iyong kalakasan,+ At sa umaga ay ipahahayag ko nang may kagalakan ang tungkol sa iyong maibiging-kabaitan.+ Sapagkat ikaw ay naging isang matibay na kaitaasan para sa akin+ At isang dakong matatakbuhan sa araw ng aking kabagabagan.+ 17  O aking Kalakasan, sa iyo ay aawit ako,+ Sapagkat ang Diyos ang aking matibay na kaitaasan, ang Diyos ng maibiging-kabaitan sa akin.+

Talababa