Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 58:1-11

Sa tagapangasiwa. “Huwag kang magpahamak.” Ni David. Miktam. 58  Sa inyong katahimikan ay talaga bang makapagsasalita kayo ng tungkol sa katuwiran?+ Makahahatol ba kayo sa katapatan, O kayong mga anak ng mga tao?+   Sa halip ay nagsasagawa pa nga kayo sa inyong puso ng tahasang kalikuan sa lupa,+ At naghahanda ng daan para sa mismong karahasan ng inyong mga kamay!+   Ang mga balakyot ay mga tiwali mula pa sa bahay-bata;+ Sila ay naliligaw mula pa sa tiyan; Nagsasalita sila ng mga kasinungalingan.+   Ang kamandag nila ay tulad ng kamandag ng serpiyente,+ Binging tulad ng kobra na nagtatakip ng tainga nito,+   Na ayaw makinig sa tinig ng mga engkantador,+ Bagaman may isang marunong na nanggagayuma sa pamamagitan ng mga engkanto.+   O Diyos, lansagin mo ang kanilang mga ngipin sa kanilang bibig.+ Basagin mo ang mismong mga panga ng mga may-kilíng na batang leon, O Jehova.   Malusaw nawa sila na parang nasa tubig na umaagos;+ Hutukin niya nawa ang busog para sa kaniyang mga palaso habang sila ay nalulugmok.+   Tulad ng susô na natutunaw ay lumalakad siya; Tulad ng sanggol na naagas sa babae ay hindi nga nila makikita ang araw.+   Bago maramdaman ng inyong mga palayok ang pinagningas na kambron,+ Ang luntiang sariwa at gayundin yaong nag-aapoy, tatangayin niya ang mga iyon na gaya ng mabagyong hangin.+ 10  Ang matuwid ay magsasaya sapagkat nakita niya ang paghihiganti.+ Ang kaniyang mga yapak ay huhugasan niya sa dugo ng balakyot.+ 11  At sasabihin ng mga tao:+ “Talagang may bunga para sa matuwid.+ Talagang may Diyos na humahatol sa lupa.”+

Talababa