Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 57:1-11

Sa tagapangasiwa. “Huwag kang magpahamak.” Ni David. Miktam. Nang tumakas siya dahil kay Saul, patungo sa yungib.+ 57  Pagpakitaan mo ako ng lingap, O Diyos, pagpakitaan mo ako ng lingap,+ Sapagkat sa iyo nanganganlong ang aking kaluluwa;+ At sa lilim ng iyong mga pakpak ay nanganganlong ako hanggang sa makaraan ang mga kapighatian.+   Tumatawag ako sa Diyos na Kataas-taasan, sa tunay na Diyos na nagpapasapit sa mga ito sa kawakasan alang-alang sa akin.+   Magsusugo siya mula sa langit at ililigtas ako.+ Tiyak na guguluhin niya yaong nananakmal sa akin.+ Selah. Isusugo ng Diyos ang kaniyang maibiging-kabaitan at ang kaniyang katapatan.+   Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon;+ Wala akong magawa kundi ang humiga sa gitna ng mga manlalamon, mga anak pa nga ng mga tao, Na ang mga ngipin ay mga sibat at mga palaso,+ At ang kanilang dila ay tabak na matalas.+   O maging dakila ka nawa sa ibabaw ng langit, O Diyos;+ Mapasaibabaw nawa ng buong lupa ang iyong kaluwalhatian.+   Isang lambat ang inihanda nila para sa aking mga hakbang;+ Ang aking kaluluwa ay nayukod.+ Nagdukal sila ng patibong sa harap ko; Nahulog sila sa gitna niyaon.+ Selah.   Ang aking puso ay matatag, O Diyos,+ Ang aking puso ay matatag. Ako ay aawit at aawit ng papuri.+   Gumising ka, O aking kaluwalhatian;+ Gumising ka, O panugtog na de-kuwerdas; ikaw rin, O alpa.+ Gigisingin ko ang bukang-liwayway.   Pupurihin kita sa gitna ng mga bayan, O Jehova;+ Aawit ako sa iyo sa gitna ng mga liping pambansa.+ 10  Sapagkat ang iyong maibiging-kabaitan ay dakila hanggang sa langit,+ At ang iyong katapatan ay hanggang sa kalangitan.+ 11  Maging dakila ka nawa sa ibabaw ng langit, O Diyos;+ Mapasaibabaw nawa ng buong lupa ang iyong kaluwalhatian.

Talababa