Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 56:1-13

Sa tagapangasiwa ng Tahimik na Kalapati sa gitna niyaong mga nasa malayo. Ni David. Miktam. Nang hulihin siya ng mga Filisteo sa Gat.+ 56  Pagpakitaan mo ako ng lingap, O Diyos, sapagkat sinakmal ako ng taong mortal.+ Sa pakikipagdigma buong araw, patuloy niya akong sinisiil.+   Sinasakmal ako ng mga kagalit ko buong araw,+ Sapagkat maraming nakikipagdigma laban sa akin nang may kapalaluan.+   Anumang araw na ako ay matakot, ako, sa ganang akin, ay magtitiwala sa iyo.+   Kaisa ng Diyos ay pupurihin ko ang kaniyang salita.+ Sa Diyos ako naglalagak ng aking tiwala; hindi ako matatakot.+ Ano ang magagawa sa akin ng laman?+   Buong araw nilang pinipinsala ang aking mga pansariling gawain; Ang lahat ng kaisipan nila ay laban sa akin sa ikasasama.+   Dumadaluhong sila, nagkukubli sila,+ Sila, sa ganang kanila, ay nagmamasid sa akin mismong mga hakbang,+ Habang inaabangan nila ang aking kaluluwa.+   Iwaksi mo sila dahil sa kanilang pananakit.+ Sa galit ay ibagsak mo ang mga bayan, O Diyos.+   Ang aking pagiging takas ay iniulat mo.+ Ilagay mo ang aking mga luha sa iyong sisidlang balat.+ Hindi ba nasa iyong aklat ang mga iyon?+   Sa pagkakataong iyon ay tatalikod ang aking mga kaaway, sa araw na ako ay tumawag;+ Ito ay lubos kong nalalaman, na ang Diyos ay sumasaakin.+ 10  Kaisa ng Diyos+ ay pupurihin ko ang kaniyang salita; Kaisa ni Jehova ay pupurihin ko ang kaniyang salita.+ 11  Sa Diyos ako naglalagak ng aking tiwala. Hindi ako matatakot.+ Ano ang magagawa sa akin ng makalupang tao?+ 12  Sa akin, O Diyos, ay may mga panata sa iyo.+ Mag-uukol ako ng mga kapahayagan ng pasasalamat sa iyo.+ 13  Sapagkat iniligtas mo ang aking kaluluwa mula sa kamatayan+ Hindi mo nga ba iniligtas ang aking mga paa mula sa pagkatisod?+ Upang makalakad ako sa harap ng Diyos sa liwanag niyaong mga buháy.+

Talababa