Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 54:1-7

Sa tagapangasiwa ng mga panugtog na de-kuwerdas. Maskil. Ni David. Nang dumating ang mga Zipeo at magsabi kay Saul: “Hindi ba nagkukubli si David doon sa amin?”+ 54  O Diyos, sa pamamagitan ng iyong pangalan ay iligtas mo ako,+ At sa pamamagitan ng iyong kalakasan ay ipagtanggol mo nawa ang aking usapin.+   O Diyos, dinggin mo ang aking panalangin;+ Pakinggan mo ang mga pananalita ng aking bibig.+   Sapagkat may mga taong di-kilala na bumangon laban sa akin, At mga maniniil na humahanap sa aking kaluluwa.+ Hindi nila inilagay ang Diyos sa harap nila.+ Selah.   Narito! Ang Diyos ay aking katulong;+ Si Jehova ay kabilang sa mga umaalalay sa aking kaluluwa.   Igaganti niya ang masama sa aking mga kagalit;+ Patahimikin mo sila sa iyong katapatan.+   May pagkukusang-loob akong maghahain sa iyo.+ Pupurihin ko ang iyong pangalan, O Jehova, sapagkat ito ay mabuti.+   Sapagkat mula sa bawat kabagabagan ay iniligtas niya ako,+ At ang aking mga kaaway ay pinagmasdan ng aking mata.+

Talababa