Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 50:1-23

Awitin ni Asap.+ 50  Ang Makapangyarihan,+ ang Diyos, si Jehova,+ ang siyang nagsalita,+ At tinatawag niya ang lupa,+ Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.+   Mula sa Sion, ang kasakdalan ng kariktan,+ ay suminag ang Diyos.+   Ang ating Diyos ay darating at hindi makapananatiling tahimik.+ Sa harap niya ay may lumalamong apoy,+ At sa buong palibot niya ay naging lubhang mabagyo ang panahon.+   Tumatawag siya sa langit sa itaas at sa lupa+ Upang maglapat ng kahatulan sa kaniyang bayan:+   “Tipunin ninyo sa akin ang aking mga matapat,+ Yaong mga nagtitibay ng aking tipan sa pamamagitan ng hain.”+   At ang langit ay nagsasaysay ng kaniyang katuwiran,+ Sapagkat ang Diyos ang siyang Hukom.+ Selah.   “Makinig ka, O bayan ko, at ako ay magsasalita,+ O Israel, at magpapatotoo ako laban sa iyo.+ Ako ang Diyos, ang iyong Diyos.+   Hindi kita sinasaway may kinalaman sa iyong mga hain,+ Ni may kinalaman sa iyong mga buong handog na sinusunog na laging nasa harap ko.+   Hindi ako kukuha ng toro mula sa iyong bahay,+ Ng mga kambing na lalaki mula sa iyong mga kural. 10  Sapagkat akin ang bawat mailap na hayop sa kagubatan,+ Ang mga hayop sa ibabaw ng isang libong bundok.+ 11  Nakikilala kong lubos ang bawat may-pakpak na nilalang sa mga bundok,+ At ang makakapal na kawan ng mga hayop sa malawak na parang ay nasa akin.+ 12  Kung ako ay gutóm, hindi ko sasabihin sa iyo; Sapagkat ang mabungang lupain+ at ang kabuuan nito ay sa akin.+ 13  Kakainin ko ba ang karne ng malalakas na toro,+ At iinumin ko ba ang dugo ng mga kambing na lalaki?+ 14  Maghandog ka ng pasasalamat bilang iyong hain sa Diyos,+ At tuparin mo sa Kataas-taasan ang iyong mga panata;+ 15  At tawagin mo ako sa araw ng kabagabagan.+ Ililigtas kita, at luluwalhatiin+ mo ako.” 16  Ngunit sa balakyot ay sasabihin ng Diyos:+ “Ano ang karapatan mo upang isa-isahin ang aking mga tuntunin,+ At upang taglayin mo sa iyong bibig ang aking tipan?+ 17  Aba, ikaw—ikaw ay napopoot sa disiplina,+ At lagi mong iwinawaksi sa likuran mo ang aking mga salita.+ 18  Kapag nakakita ka ng magnanakaw, nalulugod ka pa nga sa kaniya;+ At ang iyong pakikibahagi ay sa mga mangangalunya.+ 19  Pinakakawalan mo ang iyong bibig sa kasamaan,+ At ang iyong dila ay lagi mong inilalakip sa panlilinlang.+ 20  Ikaw ay umuupo at nagsasalita laban sa iyong sariling kapatid,+ Nagbubunyag ka ng pagkakamali laban sa anak ng iyong ina.+ 21  Ang mga bagay na ito ay ginawa mo, at nanatili akong tahimik.+ Inakala mong ako ay tiyak na magiging gaya mo.+ Sasawayin kita,+ at itutuwid ko ang mga bagay-bagay sa harap ng iyong mga mata.+ 22  Unawain ninyo ito, pakisuyo, ninyong mga lumilimot sa Diyos,+ Upang hindi ko kayo lurayin nang walang sinumang tagapagligtas.+ 23  Ang naghahandog ng pasasalamat bilang kaniyang hain ang siyang lumuluwalhati sa akin;+ At sa isa namang nananatili sa takdang daan, Ipakikita ko sa kaniya ang pagliligtas ng Diyos.”+

Talababa