Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 5:1-12

Sa tagapangasiwa para sa Nehilot. Awitin ni David. 5  Ang aking mga pananalita ay dinggin mo,+ O Jehova; Unawain mo ang aking pagbubuntunghininga.   Bigyang-pansin mo ang tinig ng aking paghingi ng tulong,+ O aking Hari+ at aking Diyos, sapagkat sa iyo ako dumadalangin.+   O Jehova, sa umaga ay maririnig mo ang aking tinig;+ Sa umaga ay magsasalita ako sa iyo at magbabantay.+   Sapagkat ikaw ay hindi isang Diyos na nalulugod sa kabalakyutan;+ Walang sinumang masama ang makatatahang kasama mo kailanman.+   Walang mga hambog ang makatatayo sa harap ng iyong mga mata.+ Napopoot ka sa lahat ng nagsasagawa ng bagay na nakasasakit;+   Pupuksain mo yaong mga nagsasalita ng kasinungalingan.+ Ang taong nagbububo ng dugo+ at nanlilinlang+ ay kinasusuklaman ni Jehova.   Sa ganang akin, dahil sa kasaganaan ng iyong maibiging-kabaitan+ Ako ay papasok sa iyong bahay,+ Sa pagkatakot sa iyo ay yuyukod ako tungo sa iyong banal na templo.+   O Jehova, patnubayan mo ako sa iyong katuwiran+ dahil sa aking mga kagalit;+ Patagin mo ang iyong daan sa harap ko.+   Sapagkat sa kanilang bibig ay walang anumang mapagkakatiwalaan;+ Ang kanilang panloob na bahagi ay tunay na kapighatian.+ Ang kanilang lalamunan ay isang bukás na dakong libingan;+ Madulas na dila ang ginagamit nila.+ 10  Ituturing nga silang may-sala ng Diyos;+ Mabubuwal sila dahil sa kanilang sariling mga payo.+ Dahil sa dami ng kanilang mga pagsalansang ay hayaan silang mangalat,+ Sapagkat naghimagsik sila laban sa iyo.+ 11  Ngunit ang lahat ng nanganganlong sa iyo ay magsasaya;+ Hanggang sa panahong walang takda ay hihiyaw sila nang may kagalakan.+ At haharangan mo ang paglapit sa kanila, At yaong mga umiibig sa iyong pangalan ay magbubunyi sa iyo.+ 12  Sapagkat pagpapalain mo ang sinumang matuwid,+ O Jehova; Gaya ng isang malaking kalasag+ ay palilibutan mo sila ng pagsang-ayon.+

Talababa