Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 49:1-20

Sa tagapangasiwa. Ng mga anak ni Kora.+ Isang awitin. 49  Dinggin ninyo ito, ninyong lahat na mga bayan. Makinig kayo, kayong lahat na tumatahan sa sistema ng mga bagay,+   Kayong mga anak ng sangkatauhan at gayundin kayong mga anak ng tao, Kapuwa ikaw na mayaman at ikaw na dukha.+   Ang aking bibig ay magsasalita ng mga bagay tungkol sa karunungan,+ At ang pagbubulay-bulay ng aking puso ay sa mga bagay tungkol sa unawa.+   Ikikiling ko ang aking tainga sa isang kasabihan;+ Isisiwalat ko ang aking bugtong+ sa pamamagitan ng alpa.   Bakit ako matatakot sa mga araw ng kasamaan,+ Kapag ang kamalian ng mga kaagaw ko ay nakapalibot sa akin?+   Yaong mga nagtitiwala sa kanilang kabuhayan,+ At laging naghahambog tungkol sa kasaganaan ng kanilang kayamanan,+   Walang isa man sa kanila ang sa paanuman ay makatutubos sa kaniyang kapatid,+ Ni makapagbibigay man sa Diyos ng pantubos para sa kaniya;   (At ang halagang pantubos sa kanilang kaluluwa ay napakamahal+ Anupat ito ay naglikat hanggang sa panahong walang takda)   Upang mabuhay pa siya magpakailanman at hindi niya makita ang hukay.+ 10  Sapagkat nakikita niya na maging ang marurunong ay namamatay,+ Magkasamang pumapanaw ang hangal at ang walang-katuwiran,+ At iiwan nila sa iba ang kanilang kabuhayan.+ 11  Ang kanilang panloob na pagnanais ay na manatili ang kanilang mga bahay hanggang sa panahong walang takda,+ Ang kanilang mga tabernakulo sa sali’t salinlahi.+ Tinatawag nila ang kanilang mga lupaing ari-arian ayon sa kanilang mga pangalan.+ 12  Magkagayunman ang makalupang tao, bagaman may karangalan, ay hindi namamalagi;+ Siya ay maihahambing nga sa mga hayop na pumanaw.+ 13  Ito ang lakad ng mga may kahangalan,+ At ng mga sumusunod sa kanila na nalulugod sa kanilang mga pananalita. Selah. 14  Sila ay nakatalaga sa Sheol+ na gaya ng mga tupa; Kamatayan ang magpapastol sa kanila;+ At ang mga matuwid ay magpupuno sa kanila sa kinaumagahan,+ At ang kanilang mga anyo ay maaagnas;+ Ang Sheol sa halip na isang marangal na tahanan ang ukol sa bawat isa.+ 15  Gayunman, tutubusin ng Diyos ang aking kaluluwa mula sa kamay ng Sheol,+ Sapagkat tatanggapin niya ako. Selah. 16  Huwag kang matakot kapag may taong nagtatamo ng kayamanan,+ Kapag ang kaluwalhatian ng kaniyang bahay ay lumalago,+ 17  Sapagkat sa kaniyang kamatayan ay wala siyang madadalang anuman;+ Ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang kasama niya.+ 18  Sapagkat sa buong buhay niya ay pinagpapala niya ang kaniyang sariling kaluluwa;+ (At pupurihin ka ng mga tao sapagkat gumagawa ka ng mabuti sa iyong sarili)+ 19  Ang kaniyang kaluluwa sa wakas ay nakararating lamang hanggang sa salinlahi ng kaniyang mga ninuno.+ Kailanman ay hindi na nila makikita ang liwanag.+ 20  Ang makalupang tao, na bagaman may karangalan ay hindi nakauunawa,+ Ay maihahambing nga sa mga hayop na pumanaw.+

Talababa