Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 48:1-14

Isang awit. Awitin ng mga anak ni Kora.+ 48  Si Jehova ay dakila at marapat na purihin+ Sa lunsod ng ating Diyos,+ sa kaniyang banal na bundok.+   Maganda sa katayugan, ang pagbubunyi ng buong lupa,+ Ang Bundok Sion sa mga dulong bahagi ng hilaga,+ Ang bayan ng Dakilang Hari.+   Sa kaniyang mga tirahang tore ay nahayag ang Diyos bilang matibay na kaitaasan.+   Sapagkat, narito! ang mga hari ay nagtagpo ayon sa pinagkasunduan,+ Dumaan silang sama-sama.+   Nakita nila mismo; at namangha nga sila. Naligalig sila, napatakbo sila sa takot.+   Ang panginginig ay nanaig sa kanila roon,+ Mga hapdi ng panganganak na gaya ng sa babaing nanganganak.+   Sa pamamagitan ng hanging silangan ay giniba mo ang mga barko ng Tarsis.+   Kung ano ang aming narinig, gayon ang aming nakita+ Sa lunsod ni Jehova ng mga hukbo, sa lunsod ng aming Diyos.+ Itatatag ito nang matibay ng Diyos hanggang sa panahong walang takda.+ Selah.   Nagmuni-muni kami, O Diyos, tungkol sa iyong maibiging-kabaitan+ Sa gitna ng iyong templo.+ 10  Gaya ng iyong pangalan,+ O Diyos, gayundin ang papuri sa iyo Hanggang sa mga hanggahan ng lupa. Ang iyong kanang kamay ay puspos ng katuwiran.+ 11  Magsaya nawa ang Bundok Sion,+ Magalak nawa ang mga sakop na bayan ng Juda,+ dahil sa iyong mga hudisyal na pasiya.+ 12  Libutin ninyo ang Sion, at ligirin ninyo ito,+ Bilangin ninyo ang mga tore nito.+ 13  Ituon ninyo ang inyong mga puso sa muralya nito.+ Suriin ninyo ang kaniyang mga tirahang tore, Upang maisalaysay ninyo ito sa darating na salinlahi.+ 14  Sapagkat ang Diyos na ito ay ating Diyos hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+ Siya ang papatnubay sa atin hanggang sa tayo ay mamatay.+

Talababa