Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 47:1-9

Sa tagapangasiwa. Ng mga anak ni Kora. Isang awitin. 47  Lahat kayong mga bayan, ipalakpak ninyo ang inyong mga kamay.+ May-pagbubunyi kayong sumigaw sa Diyos taglay ang ingay ng hiyaw ng kagalakan.+   Sapagkat si Jehova, ang Kataas-taasan, ay kakila-kilabot,+ Isang dakilang Hari sa buong lupa.+   Susupilin niya ang mga bayan sa ilalim natin+ At ang mga liping pambansa sa ilalim ng ating mga paa.+   Pipiliin niya para sa atin ang ating mana,+ Ang pagmamapuri ng Jacob, na iniibig niya.+ Selah.   Ang Diyos ay pumailanlang kasabay ng mga sigaw ng kagalakan,+ Si Jehova kasabay ng tunog ng tambuli.+   Umawit kayo para sa Diyos, umawit kayo.+ Umawit kayo para sa ating Hari, umawit kayo.   Sapagkat ang Diyos ay Hari sa buong lupa;+ Umawit kayo, na kumikilos nang may katalinuhan.+   Ang Diyos ay naging hari sa mga bansa.+ Ang Diyos ay umupo sa kaniyang banal na trono.+   Ang mga taong mahal ng mga bayan ay nagtipun-tipon,+ Kasama ng bayan ng Diyos ni Abraham.+ Sapagkat ang mga kalasag ng lupa ay sa Diyos.+ Siya ay lubhang mataas sa kaniyang pagkakataas.+

Talababa