Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 43:1-5

43  Hatulan mo ako,+ O Diyos, At ipakipaglaban mo ang aking usapin sa batas+ laban sa bansang hindi matapat. Mula sa taong mapanlinlang at liko ay paglaanan mo nawa ako ng pagtakas.+   Sapagkat ikaw ang Diyos na aking tanggulan.+ Bakit mo ako itinakwil? Bakit ako naglalakad na malungkot dahil sa paniniil ng kaaway?+   Isugo mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan.+ Patnubayan nawa ako ng mga ito.+ Dalhin nawa ako ng mga ito sa iyong banal na bundok at sa iyong maringal na tabernakulo.+   At paroroon ako sa altar ng Diyos,+ Sa Diyos, na aking may-pagbubunying kasayahan.+ At pupurihin kita sa alpa, O Diyos, aking Diyos.+   Bakit ka nanlulumo, O kaluluwa ko,+ At bakit ka nababagabag sa loob ko? Maghintay ka sa Diyos,+ Sapagkat pupurihin ko pa siya bilang ang dakilang kaligtasan ng aking pagkatao at bilang aking Diyos.+

Talababa