Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 42:1-11

Sa tagapangasiwa. Maskil para sa mga anak ni Kora.+ 42  Gaya ng babaing usa na nananabik sa mga batis ng tubig, Gayon nananabik sa iyo ang akin mismong kaluluwa, O Diyos.+   Ang aking kaluluwa ay nauuhaw sa Diyos,+ sa Diyos na buháy.+ Kailan ako paroroon at haharap sa Diyos?+   Ang aking mga luha ay naging pagkain sa akin araw at gabi,+ Habang sinasabi nila sa akin sa buong araw: “Nasaan ang iyong Diyos?”+   Ang mga bagay na ito ay aalalahanin ko, at ibubuhos ko ang aking kaluluwa sa loob ko.+ Sapagkat dati akong nagdaraang kasama ng karamihan, Dati akong lumalakad nang marahan sa unahan nila patungo sa bahay ng Diyos,+ Na may tinig ng hiyaw ng kagalakan at pasasalamat,+ Ng isang pulutong na nagdiriwang ng kapistahan.+   Bakit ka nanlulumo, O kaluluwa ko,+ At bakit ka nababagabag sa loob ko?+ Maghintay ka sa Diyos,+ Sapagkat pupurihin ko pa siya bilang ang dakilang kaligtasan ng aking pagkatao.+   O Diyos ko, sa loob ko ay nanlulumo ang aking kaluluwa.+ Kaya naman kita naaalaala,+ Mula sa lupain ng Jordan at sa mga taluktok ng Hermon,+ Mula sa maliit na bundok.+   Ang matubig na kalaliman ay tumatawag sa matubig na kalaliman Sa lagaslas ng iyong mga bulwak ng tubig. Ang lahat ng mga daluyong mo at mga alon mo+ Dumaan sa ibabaw ko ang mga iyon.+   Sa araw ay uutusan ni Jehova ang kaniyang maibiging-kabaitan,+ At sa gabi ay sasaakin ang kaniyang awit;+ Dadalanginan ang Diyos ng aking buhay.+   Sasabihin ko sa Diyos na aking malaking bato:+ “Bakit mo ako kinalimutan?+ Bakit ako naglalakad na malungkot dahil sa paniniil ng kaaway?”+ 10  Dinusta+ ako niyaong mga napopoot sa akin taglay ang pagpaslang laban sa aking mga buto, Habang sinasabi nila sa akin sa buong araw: “Nasaan ang iyong Diyos?”+ 11  Bakit ka nanlulumo, O kaluluwa ko,+ At bakit ka nababagabag sa loob ko?+ Maghintay ka sa Diyos,+ Sapagkat pupurihin ko pa siya bilang ang dakilang kaligtasan ng aking pagkatao at bilang aking Diyos.+

Talababa