Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 41:1-13

Sa tagapangasiwa. Awitin ni David. 41  Maligaya ang sinumang gumagawi nang may pakundangan sa maralita;+ Sa araw ng kapahamakan ay paglalaanan siya ni Jehova ng pagtakas.+   Babantayan siya ni Jehova at iingatan siyang buháy.+ Ipahahayag siyang maligaya sa lupa;+ At hindi mo siya maibibigay sa kaluluwa ng kaniyang mga kaaway.+   Aalalayan siya ni Jehova sa kama ng karamdaman;+ Ang buong higaan niya ay papalitan mo nga sa panahon ng kaniyang pagkakasakit.+   Sa ganang akin, sinabi ko: “O Jehova, pagpakitaan mo ako ng lingap.+ Pagalingin mo ang aking kaluluwa, sapagkat nagkasala ako laban sa iyo.”+   Kung tungkol sa aking mga kaaway, nagsasabi sila ng masama tungkol sa akin:+ “Kailan ba siya mamamatay at ang kaniyang pangalan ay talagang maglalaho?”   At kung may dumating upang makita ako, kabulaanan ang sasalitain ng kaniyang puso;+ Magtitipon siya sa ganang kaniya ng bagay na nakasasakit; Lalabas siya; sa labas ay sasalitain niya iyon.+   May-pagkakaisang nagbubulung-bulungan laban sa akin ang lahat ng napopoot sa akin;+ Laban sa akin ay lagi silang nagpapakana ng kasamaan para sa akin:+   “Isang walang-kabuluhang bagay ang nabuhos sa kaniya;+ Ngayong nakahiga na siya, hindi na siya muling babangon pa.”+   Gayundin ang taong may pakikipagpayapaan sa akin, na pinagtiwalaan ko,+ Na kumakain ng aking tinapay,+ ay nag-angat ng kaniyang sakong laban sa akin.+ 10  Kung tungkol sa iyo, O Jehova, pagpakitaan mo ako ng lingap at ibangon mo ako,+ Upang magantihan ko sila.+ 11  Sa ganito ay nalalaman kong kinalugdan mo ako, Sapagkat ang aking kaaway ay hindi sumisigaw nang may pagbubunyi laban sa akin.+ 12  Kung tungkol sa akin, dahil sa aking katapatan ay itinaguyod mo ako,+ At ilalagay mo ako sa harap ng iyong mukha hanggang sa panahong walang takda.+ 13  Pagpalain nawa si Jehova na Diyos ng Israel+ Mula sa panahong walang takda at maging hanggang sa panahong walang takda.+ Amen at Amen.+

Talababa