Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 4:1-8

Sa tagapangasiwa ng mga panugtog na de-kuwerdas.+ Awitin ni David. 4  Kapag tumawag ako, sagutin mo ako, O aking matuwid na Diyos.+ Sa kabagabagan ay maglaan ka ng maluwang na dako para sa akin. Pagpakitaan mo ako ng lingap+ at dinggin mo ang aking panalangin.   Kayong mga anak ng mga tao, hanggang kailan ba iinsultuhin ang aking kaluwalhatian,+ Habang patuloy ninyong iniibig ang mga walang-katuturang bagay, Habang patuloy ninyong hinahangad na makasumpong ng kasinungalingan? Selah.   Kaya talastasin ninyo na talagang ibubukod ni Jehova ang kaniyang matapat;+ Diringgin ni Jehova kapag tumawag ako sa kaniya.+   Maligalig kayo, ngunit huwag magkasala.+ Magsalita kayo sa inyong puso, sa inyong higaan,+ at manahimik kayo. Selah.   Maghain kayo ng mga hain ng katuwiran,+ At magtiwala kayo kay Jehova.+   Marami ang nagsasabi: “Sino ang magpapakita sa amin ng mabuti?” Pasinagin mo sa amin ang liwanag ng iyong mukha,+ O Jehova.   Tiyak na bibigyan mo ng kasayahan ang aking puso+ Higit pa kaysa noong panahon na ang kanilang butil at ang kanilang bagong alak ay nananagana.+   Sa kapayapaan ay mahihiga ako at matutulog,+ Sapagkat ikaw lamang, O Jehova, ang nagpapatahan sa akin nang tiwasay.+

Talababa