Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 39:1-13

Sa tagapangasiwa ng Jedutun.+ Awitin ni David. 39  Sinabi ko: “Babantayan ko ang aking mga lakad+ Upang huwag akong magkasala sa pamamagitan ng aking dila.+ Maglalagay ako ng busal bilang bantay sa aking bibig,+ Hangga’t may sinumang balakyot sa harap ko.”+   Ako ay napipi sa pagtahimik;+ Ako ay tumahimik tungkol sa kung ano ang mabuti,+ At ang aking kirot ay isinumpa.   Ang aking puso ay nag-init sa loob ko;+ Habang ako ay nagbubuntunghininga ay patuloy na nagniningas ang apoy. Nagsalita ako sa pamamagitan ng aking dila:   “Ipaalam mo sa akin, O Jehova, ang aking wakas,+ At ang sukat ng aking mga araw—kung ano ito,+ Upang malaman ko kung paanong ako ay panandalian lamang.+   Narito! Ginawa mong kaunti lamang ang aking mga araw;+ At ang lawig ng aking buhay ay tila walang anuman sa harap mo.+ Tunay na ang bawat makalupang tao, bagaman nakatayong matatag, ay isang singaw lamang.+ Selah.   Tunay na parang guniguning lumalakad ang tao.+ Tunay na nababagabag sila nang walang kabuluhan.+ Ang isa ay nag-iimbak ng mga bagay at hindi niya alam kung sino ang kukuha ng mga iyon.+   At ngayon ay ano ang inaasahan ko, O Jehova? Ang aking paghihintay ay sa iyo.+   Mula sa lahat ng aking mga pagsalansang ay iligtas mo ako.+ Huwag mo akong gawing pandurusta ng hangal.+   Nanatili akong di-makapagsalita;+ hindi ko maibuka ang aking bibig,+ Sapagkat ikaw mismo ang kumilos.+ 10  Alisin mo sa akin ang iyong salot.+ Dahil sa pagkapoot ng iyong kamay ay sumapit ako sa kawakasan.+ 11  Sa pamamagitan ng mga pagsaway laban sa kamalian ay itinuwid mo ang tao,+ At nilalamon mo ang kaniyang mga kanais-nais na bagay gaya ng ginagawa ng tangà.+ Tunay na ang bawat makalupang tao ay isang singaw.+ Selah. 12  Dinggin mo ang aking panalangin, O Jehova, At ang aking paghingi ng tulong ay pakinggan mo.+ Huwag kang manatiling tahimik sa aking mga luha.+ Sapagkat isa lamang akong dayuhan na nakikipanirahan sa iyo,+ Isang nakikipamayang tulad ng lahat ng aking mga ninuno.+ 13  Alisin mo sa akin ang iyong tingin, upang ako ay umaliwalas+ Bago ako umalis at ako ay mawala.”+

Talababa