Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 38:1-22

Awitin ni David, upang magpaalaala. 38  O Jehova, huwag mo akong sawayin sa iyong galit,+Ni ituwid mo man ako sa iyong pagngangalit.+   Sapagkat ang iyong mga palaso ay bumaon nang malalim sa akin,+At ang iyong kamay ay bumaba sa akin.+   Walang bahaging malusog sa aking laman dahil sa iyong pagtuligsa.+Walang kapayapaan sa aking mga buto dahilan sa aking kasalanan.+   Sapagkat ang sarili kong mga kamalian ay dumaan sa ibabaw ng aking ulo;+Tulad ng mabigat na pasan ay napakabigat ng mga iyon para sa akin.+   Ang aking mga sugat ay bumaho, ang mga iyon ay nagnanaknak,Dahil sa aking kamangmangan.+   Ako ay nagulumihanan, ako ay napayukod nang lubusan;+Buong araw akong naglalakad na malungkot.+   Sapagkat ang akin mismong mga balakang ay nalipos ng pagkapaso,At walang bahaging malusog sa aking laman.+   Ako ay naging manhid at nasiil nang lubusan;Ako ay umungal dahil sa pagdaing ng aking puso.+   O Jehova, nasa harap mo ang aking buong pagnanasa,At mula sa iyo ay hindi nakubli ang aking pagbubuntunghininga.+ 10  Ang aking puso ay tumibok nang mabilis, nilisan ako ng aking kalakasan,At ang liwanag din ng aking mga mata ay wala sa akin.+ 11  Kung tungkol sa mga umiibig sa akin at sa aking mga kasamahan, nakatayo silang malayo sa aking salot,+At ang aking malalapit na kakilala ay nakatayo sa malayo.+ 12  Ngunit yaong mga naghahanap sa aking kaluluwa ay naglalatag ng mga bitag,+At yaong mga gumagawa ng ikapapahamak ko ay nagsasalita ng mga kapighatian,+At mga panlilinlang ang lagi nilang ibinubulung-bulong buong araw.+ 13  Kung tungkol sa akin, tulad ng isang bingi, hindi ako nakikinig;+At tulad ng isang pipi, hindi ko ibinubuka ang aking bibig.+ 14  At ako ay naging tulad ng isang taong hindi makarinig,At sa aking bibig ay walang mga pangangatuwiran. 15  Sapagkat sa iyo, O Jehova, ako ay naghintay;+Ikaw ay sumagot, O Jehova na aking Diyos.+ 16  Sapagkat sinabi ko: “Baka magsaya sila sa akin;+Kapag sumuray-suray ang aking paa,+ tiyak na lubha silang magpapalalo laban sa akin.”+ 17  Sapagkat malapit na akong umika-ika,+At ang aking kirot ay laging nasa harap ko.+ 18  Sapagkat inihayag ko ang tungkol sa aking kamalian;+Nagsimula akong mabalisa dahil sa aking kasalanan.+ 19  At ang mga kaaway kong buháy ay naging malakas,+At ang mga napopoot sa akin nang walang dahilan ay dumami.+ 20  At ginagantihan nila ako ng masama kapalit ng mabuti;+Lagi nila akong sinasalansang bilang ganti sa pagtataguyod ko ng mabuti.+ 21  Huwag mo akong iwan, O Jehova.O Diyos ko, huwag kang lumayo sa akin.+ 22  Magmadali ka sa pagtulong sa akin,+O Jehova na aking kaligtasan.+

Talababa