Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 37:1-40

Ni David. א [Alep] 37  Huwag kang mag-init dahil sa mga manggagawa ng kasamaan.+Huwag kang mainggit sa mga gumagawa ng kalikuan.+   Sapagkat gaya ng damo ay mabilis silang malalanta,+At gaya ng luntiang bagong damo ay maglalaho sila.+ ב [Bet]   Magtiwala ka kay Jehova at gumawa ka ng mabuti;+Tumahan ka sa lupa, at makitungo ka nang may katapatan.+   Magkaroon ka rin ng masidhing kaluguran kay Jehova,+At ibibigay niya sa iyo ang mga kahilingan ng iyong puso.+ ג [Gimel]   Igulong mo kay Jehova ang iyong lakad,+At manalig ka sa kaniya,+ at siya mismo ang kikilos.+   At tiyak na palalabasin niyang gaya ng liwanag ang iyong katuwiran,+At ang iyong katarungan na gaya ng katanghaliang tapat.+ ד [Dalet]   Manatili kang tahimik sa harap ni Jehova+At hintayin mo siya nang may pananabik.+Huwag kang mag-init sa sinumang nagtatagumpay sa kaniyang lakad,+Sa taong nagsasagawa ng kaniyang mga kaisipan.+ ה [He]   Iwasan mo ang galit at iwanan mo ang pagngangalit;+Huwag kang mag-init na hahantong lamang sa paggawa ng masama.+   Sapagkat ang mga manggagawa ng kasamaan ay lilipulin,+Ngunit yaong mga umaasa kay Jehova ang siyang magmamay-ari ng lupa.+ ו [Waw] 10  At kaunting panahon na lamang, at ang balakyot ay mawawala na;+At pagtutuunan mo nga ng pansin ang kaniyang dako, at siya ay mawawala na.+ 11  Ngunit ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa,+At makasusumpong nga sila ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan.+ ז [Zayin] 12  Ang balakyot ay nagpapakana laban sa matuwid,+At laban sa kaniya ay pinagngangalit niya ang kaniyang mga ngipin.+ 13  Pagtatawanan siya ni Jehova,+Sapagkat nakikita nga niyang darating ang kaniyang araw.+ ח [Ket] 14  Ang mga balakyot ay humugot ng tabak at naghutok ng kanilang busog,+Upang ibuwal ang napipighati at ang dukha,+Upang pagpapatayin ang mga matuwid sa kanilang lakad.+ 15  Sarili nilang tabak ang sasaksak sa kanilang puso,+At ang sarili nilang mga busog ay mababali.+ ט [Tet] 16  Mas mabuti ang kaunti ng matuwid+Kaysa sa kasaganaan ng maraming balakyot.+ 17  Sapagkat ang mismong mga bisig ng mga balakyot ay mababali,+Ngunit aalalayan ni Jehova ang mga matuwid.+ י [Yod] 18  Batid ni Jehova ang mga araw ng mga walang pagkukulang,+At ang kanila mismong mana ay mananatili maging hanggang sa panahong walang takda.+ 19  Hindi sila mapapahiya sa panahon ng kapahamakan,+At sa mga araw ng taggutom ay mabubusog sila.+ כ [Kap] 20  Sapagkat ang mga balakyot ay maglalaho,+At ang mga kaaway ni Jehova ay magiging gaya ng mahalagang bahagi ng mga pastulan;Sasapit sila sa kanilang kawakasan.+ Sa usok ay sasapit sila sa kanilang kawakasan.+ ל [Lamed] 21  Ang balakyot ay nanghihiram at hindi nagbabayad,+Ngunit ang matuwid ay nagpapakita ng lingap at nagbibigay ng mga kaloob.+ 22  Sapagkat ang mga pinagpapala niya ang siyang magmamay-ari ng lupa,+Ngunit ang mga isinusumpa niya ay lilipulin.+ מ [Mem] 23  Dahil kay Jehova ay naihahanda ang mga hakbang ng matipunong lalaki,+At ang kaniyang lakad ay kinalulugdan Niya.+ 24  Bagaman siya ay mabuwal, hindi siya babagsak,+Sapagkat inaalalayan ni Jehova ang kaniyang kamay.+ נ [Nun] 25  Isang kabataan ako noon, ako ay tumanda na rin,+Gayunma’y hindi ko pa nakita ang matuwid na lubusang pinabayaan,+Ni ang kaniyang supling na naghahanap ng tinapay.+ 26  Buong maghapon siyang nagpapakita ng lingap at nagpapahiram,+Kung kaya ang kaniyang supling ay tatanggap ng pagpapala.+ ס [Samek] 27  Talikuran mo ang masama at gawin mo ang mabuti,+Sa gayon ay tatahan ka hanggang sa panahong walang takda.+ 28  Sapagkat si Jehova ay maibigin sa katarungan,+At hindi niya iiwan ang kaniyang mga matapat.+ ע [Ayin] Hanggang sa panahong walang takda ay tiyak na babantayan sila;+Ngunit kung tungkol sa supling ng mga balakyot, sila ay tiyak na lilipulin.+ 29  Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa,+At tatahan sila roon magpakailanman.+ פ [Pe] 30  Ang bibig ng matuwid ang siyang pabulong na nagsasalita ng karunungan,+At kaniya ang dila na nagsasalita nang makatarungan.+ 31  Ang kautusan ng kaniyang Diyos ay nasa kaniyang puso;+Ang kaniyang mga hakbang ay hindi susuray.+ צ [Tsade] 32  Ang balakyot ay laging nag-aabang sa matuwid+At nagtatangkang patayin siya.+ 33  Kung tungkol kay Jehova, hindi niya siya iiwan sa kamay ng isang iyon,+At hindi niya siya aariing balakyot kapag siya ay hinahatulan.+ ק [Kop] 34  Umasa ka kay Jehova at ingatan mo ang kaniyang daan,+At itataas ka niya upang magmay-ari ng lupa.+Kapag nilipol ang mga balakyot, makikita mo iyon.+ ר [Res] 35  Nakita ko ang balakyot na isang maniniil+At nag-uunat ng kaniyang sarili gaya ng mayabong na punungkahoy sa tinubuang lupa.+ 36  Gayunma’y lumipas siya, at wala na siya;+At pinaghahanap ko siya, at hindi siya nasumpungan.+ ש [Shin] 37  Masdan mo ang walang kapintasan at tingnan mo ang matuwid,+Sapagkat ang kinabukasan ng taong iyon ay magiging mapayapa.+ 38  Ngunit ang mga mananalansang ay tiyak na pupuksaing sama-sama;+Ang kinabukasan ng mga taong balakyot ay talagang mapuputol.+ ת [Taw] 39  At ang kaligtasan ng mga matuwid ay mula kay Jehova;+Siya ang kanilang tanggulan sa panahon ng kabagabagan.+ 40  At tutulungan sila ni Jehova at paglalaanan sila ng pagtakas.+Paglalaanan niya sila ng pagtakas mula sa mga taong balakyot at ililigtas sila,+Sapagkat nanganganlong sila sa kaniya.+

Talababa