Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 36:1-12

Sa tagapangasiwa. Ng lingkod ni Jehova, si David. 36  Ang salitang may pagsalansang ng balakyot ay nasa loob ng kaniyang puso;+ Walang panghihilakbot sa Diyos sa harap ng kaniyang mga mata.+   Sapagkat kumilos siya nang may labis na paghanga sa sarili sa kaniyang sariling paningin+ Upang matuklasan ang kaniyang kamalian at kapootan iyon.+   Ang mga salita ng kaniyang bibig ay pananakit at panlilinlang;+ Nawalan na siya ng kaunawaan sa paggawa ng mabuti.+   Pananakit ang lagi niyang ipinapakana sa kaniyang higaan.+ Lumalagay siya sa daang hindi mabuti.+ Ang kasamaan ay hindi niya itinatakwil.+   O Jehova, ang iyong maibiging-kabaitan ay nasa langit;+ Ang iyong katapatan ay hanggang sa mga ulap.+   Ang iyong katuwiran ay tulad ng mga bundok ng Diyos;+ Ang iyong hudisyal na pasiya ay isang malawak na matubig na kalaliman.+ Ang tao at hayop ay inililigtas mo, O Jehova.+   Napakahalaga ng iyong maibiging-kabaitan, O Diyos!+ At sa lilim ng iyong mga pakpak ay nanganganlong ang mga anak ng mga tao.+   Iniinom nila ang katabaan ng iyong bahay hanggang sa mabusog sila;+ At sa ilog ng iyong mga kaluguran ay pinaiinom mo sila.+   Sapagkat nasa iyo ang bukal ng buhay;+ Sa pamamagitan ng iyong liwanag ay nakakakita kami ng liwanag.+ 10  Panatilihin mo ang iyong maibiging-kabaitan sa mga nakakakilala sa iyo,+ At ang iyong katuwiran sa mga matapat ang puso.+ 11  O huwag nawang dumating laban sa akin ang paa ng kapalaluan;+ Kung tungkol sa kamay ng mga taong balakyot, huwag nawa akong gawing palaboy nito.+ 12  Doon nabuwal ang mga nagsasagawa ng nakasasakit;+ Sila ay inilugmok at hindi na makabangon.+

Talababa