Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 34:1-22

Ni David, noong panahon ng pagbabalatkayo niya ng kaniyang katinuan+ sa harap ni Abimelec, anupat pinalayas siya nito, at siya ay umalis. א [Alep] 34  Pagpapalain ko si Jehova sa lahat ng panahon;+ Ang papuri sa kaniya ay laging sasaaking bibig.+ ב [Bet]   Si Jehova ay ipaghahambog ng aking kaluluwa;+ Maririnig ng maaamo at magsasaya sila.+ ג [Gimel]   O dakilain ninyong kasama ko si Jehova,+ At itanyag nating sama-sama ang kaniyang pangalan.+ ד [Dalet]   Nagtanong ako kay Jehova, at sinagot niya ako,+ At mula sa lahat ng aking pagkatakot ay iniligtas niya ako.+ ה [He]   Sila ay tumingin sa kaniya at nagningning,+ At ang kanilang mga mukha ay talagang hindi mapapahiya.+ ז [Zayin]   Ang napipighating ito ay tumawag, at dininig ni Jehova.+ At mula sa lahat ng kaniyang mga kabagabagan ay iniligtas Niya siya.+ ח [Ket]   Ang anghel ni Jehova ay nagkakampo sa buong palibot niyaong mga may takot sa kaniya,+ At inililigtas niya sila.+ ט [Tet]   Tikman ninyo at tingnan na si Jehova ay mabuti;+ Maligaya ang matipunong lalaki na nanganganlong sa kaniya.+ י [Yod]   Matakot kayo kay Jehova, kayong mga banal niya,+ Sapagkat walang kakulangan sa mga may takot sa kaniya.+ כ [Kap] 10  Ang mga may-kilíng na batang leon ay kinakapos at nagugutom;+ Ngunit yaong mga humahanap kay Jehova, hindi sila kukulangin ng anumang bagay na mabuti.+ ל [Lamed] 11  Halikayo, kayong mga anak, makinig kayo sa akin;+ Ang pagkatakot kay Jehova ang ituturo ko sa inyo.+ מ [Mem] 12  Sino ang taong nalulugod sa buhay,+ Na umiibig sa sapat na dami ng mga araw upang makakita ng mabuti?+ נ [Nun] 13  Ingatan mo ang iyong dila laban sa kasamaan,+ At ang iyong mga labi laban sa pagsasalita ng panlilinlang.+ ס [Samek] 14  Talikuran mo ang kasamaan, at gawin mo ang mabuti;+ Hanapin mo ang kapayapaan, at itaguyod mo iyon.+ ע [Ayin] 15  Ang mga mata ni Jehova ay nakatingin sa mga matuwid,+ At ang kaniyang mga tainga ay nakatuon sa kanilang paghingi ng tulong.+ פ [Pe] 16  Ang mukha ni Jehova ay laban sa mga gumagawa ng masama,+ Upang pawiin ang pagbanggit sa kanila mula sa mismong lupa.+ צ [Tsade] 17  Sila ay dumaing, at dininig ni Jehova,+ At mula sa lahat ng kanilang mga kabagabagan ay iniligtas niya sila.+ ק [Kop] 18  Si Jehova ay malapit sa mga wasak ang puso;+ At yaong mga may espiritung nasisiil ay inililigtas niya.+ ר [Res] 19  Marami ang mga kapahamakan ng matuwid,+ Ngunit mula sa lahat ng mga iyon ay inililigtas siya ni Jehova.+ ש [Shin] 20  Binabantayan niya ang lahat ng mga buto ng isang iyon; Walang isa man sa mga iyon ang nabali.+ ת [Taw] 21  Papatayin ng kapahamakan ang balakyot;+ At ang mga napopoot sa matuwid ay ituturing na may-sala.+ 22  Tinutubos ni Jehova ang kaluluwa ng kaniyang mga lingkod;+ At walang sinuman sa mga nanganganlong sa kaniya ang ituturing na may-sala.+

Talababa