Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 33:1-22

33  Humiyaw kayo nang may kagalakan, O kayong mga matuwid, dahil kay Jehova.+ Mula sa mga matapat ay nararapat ang papuri.+   Magpasalamat kayo kay Jehova taglay ang alpa;+ Sa panugtog na may sampung kuwerdas+ ay tumugtog kayo para sa kaniya.   Umawit kayo sa kaniya ng isang bagong awit;+ Pagbutihin ninyo ang pagtugtog sa mga de-kuwerdas kasabay ng mga sigaw ng kagalakan.+   Sapagkat ang salita ni Jehova ay matuwid,+ At ang lahat ng kaniyang gawa ay sa katapatan.+   Siya ay maibigin sa katuwiran at katarungan.+ Ang lupa ay punô ng maibiging-kabaitan ni Jehova.+   Sa pamamagitan ng salita ni Jehova ay nalikha ang langit,+ At ang buong hukbo nila ay sa pamamagitan ng espiritu ng kaniyang bibig.+   Tinitipon niyang gaya ng sa prinsa ang tubig ng dagat,+ Na inilalagay sa mga imbakan ang dumadaluyong na tubig.   Matakot nawa kay Jehova ang lahat ng nasa lupa.+ Katakutan nawa siya ng lahat ng tumatahan sa mabungang lupain.+   Sapagkat siya ang nagsabi, at nangyari nga;+ Siya ang nag-utos, at natatag nang gayon.+ 10  Nilansag ni Jehova ang panukala ng mga bansa;+ Binigo niya ang mga kaisipan ng mga bayan.+ 11  Hanggang sa panahong walang takda ay tatayo ang layon ni Jehova;+ Ang mga kaisipan ng kaniyang puso ay sa sali’t salinlahi.+ 12  Maligaya ang bansa na ang Diyos ay si Jehova,+ Ang bayang pinili niya bilang kaniyang mana.+ 13  Mula sa langit ay tumitingin si Jehova,+ Nakikita niya ang lahat ng mga anak ng mga tao.+ 14  Mula sa tatag na dako na kaniyang tinatahanan+ Minamasdan niya ang lahat ng tumatahan sa lupa. 15  Inaanyuan niya ang mga puso nilang lahat;+ Isinasaalang-alang niya ang lahat ng kanilang mga gawa.+ 16  Walang hari ang naililigtas ng dami ng hukbong militar;+ Ang makapangyarihang lalaki ay hindi naililigtas ng saganang lakas.+ 17  Ang kabayo ay isang panlilinlang sa pagliligtas,+ At sa pamamagitan ng saganang kalakasan nito ay hindi ito makapaglalaan ng pagtakas.+ 18  Narito! Ang mata ni Jehova ay nakatingin sa mga may takot sa kaniya,+ Sa mga naghihintay sa kaniyang maibiging-kabaitan,+ 19  Upang iligtas ang kanilang kaluluwa mula sa kamatayan,+ At upang ingatan silang buháy sa taggutom.+ 20  Ang amin mismong kaluluwa ay naghihintay kay Jehova.+ Siya ang aming katulong at aming kalasag.+ 21  Sapagkat sa kaniya ay nagsasaya ang aming puso;+ Sapagkat sa kaniyang banal na pangalan ay inilalagak namin ang aming tiwala.+ 22  Ang iyong maibiging-kabaitan, O Jehova, ay mapasaamin nawa,+ Habang patuloy kaming naghihintay sa iyo.+

Talababa