Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 32:1-11

Ni David. Maskil. 32  Maligaya siya na ang kaniyang pagsalansang ay pinagpapaumanhinan, na ang kaniyang kasalanan ay tinatakpan.+   Maligaya ang tao na sa kaniya ay hindi nagpapataw ng kamalian si Jehova,+ At sa kaniyang espiritu ay walang panlilinlang.+   Nang manahimik ako ay nanghina ang aking mga buto dahil sa pagdaing ko buong araw.+   Sapagkat sa araw at gabi ay mabigat ang iyong kamay sa akin.+ Ang halumigmig ng aking buhay ay nabagong gaya ng tuyong init ng tag-araw.+ Selah.   Ang aking kasalanan ay ipinagtapat ko sa iyo sa wakas, at ang aking kamalian ay hindi ko pinagtakpan.+ Sinabi ko: “Ipagtatapat ko ang tungkol sa aking mga pagsalansang kay Jehova.”+ At pinagpaumanhinan mo ang kamalian ng aking mga kasalanan.+ Selah.   Dahil dito ay dadalangin sa iyo ang bawat isa na matapat+ Sa panahon lamang na masusumpungan ka.+ Kung tungkol sa baha ng maraming tubig, hindi siya maaabutan nito.+   Ikaw ay dakong kublihan ko; iingatan mo ako mula sa kabagabagan.+ Palilibutan mo ako ng mga hiyaw ng kagalakan sa paglalaan ng pagtakas.+ Selah.   “Pagkakalooban kita ng kaunawaan at tuturuan kita hinggil sa daan na dapat mong lakaran.+ Magpapayo ako habang ang aking mata ay nakatingin sa iyo.+   Huwag kayong maging gaya ng kabayo o ng mula na walang pagkaunawa,+ Na ang sigla ay kailangang supilin ng renda o ng preno+ Bago sila lumapit sa iyo.”+ 10  Marami ang mga kirot ng balakyot;+ Ngunit para sa isa na nagtitiwala kay Jehova, palilibutan siya ng maibiging-kabaitan.+ 11  Magsaya kayo kay Jehova at magalak, kayong mga matuwid;+ At humiyaw kayo nang may kagalakan, lahat kayong matapat ang puso.+

Talababa