Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 30:1-12

Isang awitin. Awit ng pagpapasinaya ng bahay.+ Ni David. 30  Dadakilain kita, O Jehova, sapagkat hinango mo ako+At hindi mo pinagsaya sa akin ang aking mga kaaway.+   O Jehova na aking Diyos, humingi ako sa iyo ng tulong, at pinagaling mo ako.+   O Jehova, hinango mo ang aking kaluluwa mula sa Sheol;+Iningatan mo akong buháy, upang huwag akong bumaba sa hukay.+   Umawit kayo kay Jehova, O kayong mga matapat sa kaniya,+Magpasalamat kayo sa kaniyang banal na pang-alaala;+   Sapagkat ang mapasailalim sa kaniyang galit ay sandali lamang,+Ang mapasailalim sa kaniyang kabutihang-loob ay panghabang-buhay.+Sa gabi ay maaaring manuluyan ang pagtangis,+ ngunit sa umaga ay may hiyaw ng kagalakan.+   Kung tungkol sa akin, sinabi ko sa aking kaginhawahan:+“Hindi ako kailanman makikilos.”+   O Jehova, sa iyong kabutihang-loob ay itinayo mo ang aking bundok nang may kalakasan.+Ikinubli mo ang iyong mukha; ako ay naligalig.+   Sa iyo, O Jehova, ay patuloy akong tumatawag;+At kay Jehova ako patuloy na humihiling ng lingap.+   Ano ang pakinabang sa aking dugo kapag bumaba ako sa hukay?+Pupurihin ka ba ng alabok?+ Isasaysay ba nito ang iyong katapatan?+ 10  Dinggin mo, O Jehova, at pagpakitaan mo ako ng lingap.+O Jehova, maging katulong nawa kita.+ 11  Pinalitan mo ng sayawan ang aking pagdadalamhati para sa akin;+Kinalag mo ang aking telang-sako, at pinananatili mo akong nabibigkisan ng pagsasaya,+ 12  Upang ang aking kaluwalhatian ay umawit sa iyo at hindi manatiling tahimik.+O Jehova na aking Diyos, hanggang sa panahong walang takda ay pupurihin kita.+

Talababa