Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 3:1-8

Awitin ni David nang tumatakas siya dahil kay Absalom na kaniyang anak.+ 3  O Jehova, bakit dumarami ang aking mga kalaban?+ Bakit maraming bumabangon laban sa akin?+   Marami ang nagsasabi tungkol sa aking kaluluwa: “Wala siyang kaligtasan mula sa Diyos.”+ Selah.   Gayunma’y ikaw, O Jehova, ay isang kalasag sa palibot ko,+ Ang aking kaluwalhatian+ at ang Isa na nagtataas ng aking ulo.+   Sa pamamagitan ng aking tinig ay tatawag ako kay Jehova, At sasagutin niya ako mula sa kaniyang banal na bundok.+ Selah.   Kung tungkol sa akin, hihiga ako upang ako ay makatulog; Ako ay tiyak na gigising, sapagkat lagi akong inaalalayan ni Jehova.+   Hindi ako matatakot sa sampung libu-libong tao Na humahanay laban sa akin sa magkabi-kabila.+   Bumangon ka,+ O Jehova! Iligtas mo ako,+ O Diyos ko!+ Sapagkat patatamaan mo nga sa panga ang lahat ng aking kaaway.+ Ang mga ngipin ng mga balakyot ay babasagin mo.+   Ang kaligtasan ay kay Jehova.+ Ang iyong pagpapala ay sumasaiyong bayan.+ Selah.

Talababa