Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 29:1-11

Awitin ni David. 29  Mag-ukol kayo kay Jehova, O kayong mga anak ng malalakas,Mag-ukol kayo kay Jehova ng kaluwalhatian at lakas.+   Iukol ninyo kay Jehova ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan.+Yumukod kayo kay Jehova nang may banal na kagayakan.+   Ang tinig ni Jehova ay nasa ibabaw ng mga tubig;+Ang maluwalhating Diyos+ ay nagpakulog.+Si Jehova ay nasa ibabaw ng maraming tubig.+   Ang tinig ni Jehova ay makapangyarihan;+Ang tinig ni Jehova ay marilag.+   Ang tinig ni Jehova ay bumabali ng mga sedro;Oo, pinagpuputul-putol ni Jehova ang mga sedro ng Lebanon,+   At pinalulukso niya ang mga iyon na parang guya,+Ang Lebanon at ang Sirion+ na tulad ng mga anak ng mga torong gubat.   Ang tinig ni Jehova ay umuukit sa pamamagitan ng mga liyab ng apoy;+   Pinamimilipit ng tinig ni Jehova ang ilang,+Pinamimilipit ni Jehova ang ilang ng Kades.+   Pinamimilipit ng tinig ni Jehova ang mga babaing usa sa mga kirot ng panganganak+At hinuhubaran ang mga kagubatan.+At sa kaniyang templo ay sinasabi ng bawat isa: “Kaluwalhatian!”+ 10  Sa ibabaw ng delubyo ay umupo si Jehova;+At si Jehova ay nakaupo bilang hari hanggang sa panahong walang takda.+ 11  Si Jehova ay magbibigay nga ng lakas sa kaniyang bayan.+Pagpapalain ni Jehova ng kapayapaan ang kaniyang bayan.+

Talababa