Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 28:1-9

Ni David. 28  Sa iyo, O Jehova, ako ay laging tumatawag.+ O aking Bato, huwag kang magpakabingi sa akin,+ Upang hindi ka manahimik sa akin+ At hindi ako maging gaya ng mga bumababa sa hukay.+   Dinggin mo ang tinig ng aking mga pamamanhik kapag humihingi ako sa iyo ng tulong, Kapag itinataas ko ang aking mga kamay+ tungo sa kaloob-loobang silid ng iyong dakong banal.+   Huwag mo akong hilahing kasama ng mga taong balakyot at ng mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit,+ Yaong mga nagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kasamahan+ ngunit ang nasa mga puso nila ay kasamaan.+   Ibigay mo sa kanila ang ayon sa kanilang pagkilos+ At ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain.+ Ibigay mo sa kanila ang ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.+ Iganti mo sa kanila ang sarili nilang gawa.+   Sapagkat wala silang pagpapahalaga sa mga gawain ni Jehova,+ Ni sa gawa man ng kaniyang mga kamay.+ Ibabagsak niya sila at hindi niya sila itatayo.   Pagpalain nawa si Jehova, sapagkat dininig niya ang tinig ng aking mga pamamanhik.+   Si Jehova ang aking lakas+ at aking kalasag.+ Sa kaniya nagtitiwala ang aking puso,+ At ako ay natulungan, anupat nagbubunyi ang aking puso,+ At sa pamamagitan ng aking awit ay pupurihin ko siya.+   Si Jehova ay lakas ng kaniyang bayan,+ At siya ay moog ng dakilang kaligtasan ng kaniyang pinahiran.+   Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo ang iyong mana;+ At pastulan mo sila at dalhin mo sila hanggang sa panahong walang takda.+

Talababa