Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 26:1-12

Ni David. 26  Hatulan mo ako,+ O Jehova, sapagkat ako ay lumakad sa aking katapatan,+ At kay Jehova ako nagtiwala, upang hindi ako sumuray.+   Suriin mo ako, O Jehova, at ilagay mo ako sa pagsubok;+ Dalisayin mo ang aking mga bato at ang aking puso.+   Sapagkat ang iyong maibiging-kabaitan ay nasa harap ng aking mga mata, At lumakad ako sa iyong katotohanan.+   Hindi ako umupong kasama ng mga taong bulaan;+ At hindi ako pumapasok na kasama ng mga mapagpakunwari.+   Kinapopootan ko ang kongregasyon ng mga manggagawa ng kasamaan,+ At hindi ako umuupong kasama ng mga balakyot.+   Huhugasan ko ang aking mga kamay sa kawalang-sala,+ At lalakad ako sa palibot ng iyong altar, O Jehova,+   Upang maiparinig nang malakas ang pasasalamat,+ At upang ipahayag ang lahat ng iyong mga kamangha-manghang gawa.+   Jehova, iniibig ko ang tahanan sa iyong bahay+ At ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian.+   Huwag mong kuning kasama ng mga makasalanan ang aking kaluluwa,+ Ni ang aking buhay na kasama ng mga taong may pagkakasala sa dugo,+ 10  Na sa kanilang mga kamay ay may mahalay na paggawi,+ At ang kanilang kanang kamay ay punô ng panunuhol.+ 11  Sa ganang akin, lalakad ako sa aking katapatan.+ O tubusin mo ako+ at pagpakitaan mo ako ng lingap.+ 12  Ang paa ko ay tatayo nga sa patag na dako;+ Sa gitna ng mga nagkakatipong karamihan ay pagpapalain ko si Jehova.+

Talababa