Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 25:1-22

Ni David. א [Alep] 25  Sa iyo, O Jehova, ay itinataas ko ang akin mismong kaluluwa.+ ב [Bet]   O Diyos ko, sa iyo ako naglalagak ng aking tiwala;+ O huwag nawa akong mapahiya. Huwag nawang magbunyi sa akin ang aking mga kaaway.+ ג [Gimel]   Gayundin, walang sinuman sa mga umaasa sa iyo ang mapapahiya.+ Mapapahiya silang mga nakikitungo nang may kataksilan nang walang tagumpay.+ ד [Dalet]   Ipaalam mo sa akin ang iyong mga daan, O Jehova;+ Ituro mo sa akin ang iyong mga landas.+ ה [He]   Palakarin mo ako sa iyong katotohanan at turuan mo ako,+ Sapagkat ikaw ang aking Diyos ng kaligtasan.+ ו [Waw]Sa iyo ako umaasa buong araw.+ ז [Zayin]   Alalahanin mo ang iyong kaawaan,+ O Jehova, at ang iyong mga maibiging-kabaitan,+ Sapagkat ang mga iyon ay mula pa noong panahong walang takda.+ ח [Ket]   Ang mga kasalanan ng aking kabataan at ang aking mga pagsalansang O huwag mong alalahanin.+ Alalahanin mo ako ayon sa iyong maibiging-kabaitan,+ Alang-alang sa iyong kabutihan, O Jehova.+ ט [Tet]   Mabuti at matuwid si Jehova.+ Kaya naman tinuturuan niya ang mga makasalanan hinggil sa daan.+ י [Yod]   Palalakarin niya ang maaamo sa kaniyang hudisyal na pasiya,+ At ituturo niya sa maaamo ang kaniyang daan.+ כ [Kap] 10  Ang lahat ng landas ni Jehova ay maibiging-kabaitan at katapatan Para sa mga tumutupad ng kaniyang tipan+ at ng kaniyang mga paalaala.+ ל [Lamed] 11  Alang-alang sa iyong pangalan, O Jehova,+ Patawarin mo ang aking kamalian, sapagkat iyon ay mabigat.+ מ [Mem] 12  Sino nga ang taong natatakot kay Jehova?+ Tuturuan niya siya hinggil sa daan na kaniyang pipiliin.+ נ [Nun] 13  Ang kaniyang kaluluwa ay manunuluyan sa kabutihan,+ At aariin ng kaniyang supling ang lupa.+ ס [Samek] 14  Ang matalik na kaugnayan kay Jehova ay nauukol sa mga natatakot sa kaniya,+ Gayundin ang kaniyang tipan, upang ipaalam iyon sa kanila.+ ע [Ayin] 15  Ang aking mga mata ay laging nakatuon kay Jehova,+ Sapagkat siya ang naglalabas ng aking mga paa mula sa lambat.+ פ [Pe] 16  Iharap mo sa akin ang iyong mukha, at pagpakitaan mo ako ng lingap;+ Sapagkat ako ay nag-iisa at napipighati.+ צ [Tsade] 17  Ang mga kabagabagan ng aking puso ay dumami;+ Mula sa aking mga kaigtingan O ilabas mo ako.+ ר [Res] 18  Tingnan mo ang aking kapighatian at ang aking kabagabagan,+ At pagpaumanhinan mo ang lahat ng aking mga kasalanan.+ 19  Tingnan mo kung gaano na karami ang aking mga kaaway,+ At napopoot sila sa akin ng marahas na pagkapoot.+ ש [Shin] 20  Bantayan mo ang aking kaluluwa at iligtas mo ako.+ Huwag nawa akong mapahiya, sapagkat nanganganlong ako sa iyo.+ ת [Taw] 21  Ingatan nawa ako ng katapatan at katuwiran,+ Sapagkat umaasa ako sa iyo.+ 22  O Diyos, tubusin mo ang Israel mula sa lahat ng kaniyang mga kabagabagan.+

Talababa