Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 24:1-10

Ni David. Isang awitin. 24  Kay Jehova ang lupa at ang lahat ng naririto,+ Ang mabungang lupain at ang mga tumatahan dito.+   Sapagkat inilagay niya ito nang matatag sa ibabaw ng mga dagat,+ At pinananatili niya itong nakatatag nang matibay sa ibabaw ng mga ilog.+   Sino ang makaaakyat sa bundok ni Jehova,+ At sino ang makatitindig sa kaniyang dakong banal?+   Ang sinumang walang-sala ang mga kamay at malinis ang puso,+ Siyang hindi nagdala ng Aking kaluluwa sa lubos na kawalang-kabuluhan,+ Ni nanumpa man nang may panlilinlang.+   Magdadala siya ng pagpapala mula kay Jehova+ At ng katuwiran mula sa kaniyang Diyos ng kaligtasan.+   Ito ang salinlahi ng mga humahanap sa kaniya, Ng mga nagsasaliksik ng iyong mukha, O [Diyos ni] Jacob.+ Selah.   “Itaas ninyo ang inyong mga ulo, O kayong mga pintuang-daan,+ At tumindig kayo, O kayong mga namamalaging pasukan,+ Upang makapasok ang maluwalhating Hari!”+   “Sino nga ba ang maluwalhating Haring ito?”+ “Si Jehova na malakas at makapangyarihan,+ Si Jehova na makapangyarihan sa pagbabaka.”+   “Itaas ninyo ang inyong mga ulo, O kayong mga pintuang-daan;+ Oo, itaas ninyo ang mga iyon, O kayong mga namamalaging pasukan, Upang makapasok ang maluwalhating Hari!”+ 10  “Sino nga ba siya, ang maluwalhating Haring ito?” “Si Jehova ng mga hukbo—siya ang maluwalhating Hari.”+ Selah.

Talababa