Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 21:1-13

Sa tagapangasiwa. Awitin ni David. 21  O Jehova, sa iyong kalakasan ay nagsasaya ang hari;+At sa iyong pagliligtas ay gayon na lamang ang pagnanais niyang magalak nang lubha!+   Ang pagnanasa ng kaniyang puso ay ibinigay mo sa kaniya,+At ang naisin ng kaniyang mga labi ay hindi mo ipinagkait.+ Selah.   Sapagkat sinalubong mo siya ng mga pagpapala ng kabutihan,+At nagpatong ka sa kaniyang ulo ng isang koronang dalisay na ginto.+   Buhay ang hiningi niya sa iyo. Ibinigay mo iyon sa kaniya,+Kahabaan ng mga araw hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+   Ang kaniyang kaluwalhatian ay dakila sa iyong pagliligtas.+Ang dangal at karilagan ay inilalagay mo sa kaniya.+   Sapagkat lubha mo siyang pinagpapala magpakailanman;+Pinagagalak mo siya ng pagsasaya sa harap mo.+   Sapagkat ang hari ay nagtitiwala kay Jehova,+Maging sa maibiging-kabaitan ng Kataas-taasan. Hindi siya makikilos.+   Masusumpungan ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway;+Masusumpungan ng iyong kanang kamay yaong mga napopoot sa iyo.   Gagawin mo silang gaya ng maapoy na hurno sa takdang panahon para sa iyong pagbibigay-pansin.+Sa kaniyang galit ay lalamunin sila ni Jehova, at susupukin sila ng apoy.+ 10  Ang kanilang bunga ay pupuksain mo mula sa mismong lupa,+At ang kanilang supling mula sa mga anak ng mga tao.+ 11  Sapagkat itinuon nila laban sa iyo yaong masama;+Nagpanukala sila ng mga kaisipang hindi nila kayang isakatuparan.+ 12  Sapagkat patatalikurin mo sila upang tumakas+Sa pamamagitan ng mga bagting ng iyong busog na inihahanda mo laban sa kanilang mukha.+ 13  O maging dakila ka nawa sa iyong lakas, O Jehova.+Kami ay aawit at aawit ng papuri sa iyong kalakasan.+

Talababa