Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 20:1-9

Sa tagapangasiwa. Awitin ni David. 20  Sagutin ka nawa ni Jehova sa araw ng kabagabagan.+Ipagsanggalang ka nawa ng pangalan ng Diyos ni Jacob.+   Ipadala niya nawa ang tulong sa iyo mula sa dakong banal,+At alalayan ka mula sa Sion.+   Alalahanin niya nawa ang lahat ng iyong mga handog na kaloob,+At tanggapin niya nawa ang iyong handog na sinusunog bilang bagay na mataba.+ Selah.   Ibigay niya nawa sa iyo ang ayon sa iyong puso,+At ang lahat nawa ng iyong panukala ay tuparin niya.+   Hihiyaw kami nang may kagalakan dahil sa iyong pagliligtas,+At sa pangalan ng aming Diyos ay itataas namin ang aming mga watawat.+Tuparin nawa ni Jehova ang lahat ng iyong mga kahilingan.+   Ngayon ay nalalaman ko na talagang inililigtas ni Jehova ang kaniyang pinahiran.+Sinasagot niya siya mula sa kaniyang banal na langit+Sa pamamagitan ng makapangyarihang mga gawa ng pagliligtas ng kaniyang kanang kamay.+   Sa ilan ay ang tungkol sa mga karo at sa iba ay ang tungkol sa mga kabayo,+Ngunit, para sa amin, ang tungkol sa pangalan ni Jehova na aming Diyos ang aming babanggitin.+   Ang mga iyon mismo ay nagiba at nabuwal;+Ngunit kami naman, bumangon kami, upang kami ay manauli.+   O Jehova, iligtas mo ang hari!+Sasagutin niya kami sa araw na kami ay tatawag.+

Talababa