Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 2:1-12

2  Bakit nagkakagulo ang mga bansa+ At ang mga liping pambansa ay patuloy na bumubulung-bulong ng walang-katuturang bagay?+   Ang mga hari sa lupa ay tumitindig+ At ang matataas na opisyal ay nagpipisan na tila iisa+ Laban kay Jehova+ at laban sa kaniyang pinahiran,+   Na sinasabi: “Lagutin natin ang kanilang mga panggapos+ At itapon ang kanilang mga panali mula sa atin!”+   Ang mismong Isa na nakaupo sa langit+ ay magtatawa; Ilalagay sila ni Jehova sa kaalipustaan.+   Sa panahong iyon ay magsasalita siya sa kanila sa kaniyang galit+ At sa kaniyang matinding pagkayamot ay liligaligin niya sila,+   Na sinasabi: “Ako, ako nga, ang nagluklok ng aking hari+ Sa Sion,+ na aking banal na bundok.”+   Tutukuyin ko ang batas ni Jehova; Sinabi niya sa akin: “Ikaw ang aking anak;+ Ako, ngayon, ako ay naging iyong ama.+   Humingi ka sa akin,+ upang maibigay ko ang mga bansa bilang iyong mana+ At ang mga dulo ng lupa bilang iyong sariling pag-aari.+   Babaliin mo sila sa pamamagitan ng isang setrong bakal,+ Dudurugin mo silang gaya ng sisidlan ng magpapalayok.”+ 10  At ngayon, O mga hari, gumamit kayo ng kaunawaan; Hayaan ninyong maituwid kayo, O mga hukom sa lupa.+ 11  Maglingkod kayo kay Jehova nang may takot+ At magalak kayo nang may panginginig.+ 12  Hagkan ninyo ang anak,+ upang hindi Siya magalit At hindi kayo malipol mula sa daan,+ Sapagkat ang kaniyang galit ay madaling magliyab.+ Maligaya ang lahat ng nanganganlong sa kaniya.+

Talababa