Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 19:1-14

Sa tagapangasiwa. Awitin ni David. 19  Ang langit ay naghahayag ng kaluwalhatian ng Diyos;+ At ang gawa ng kaniyang mga kamay ay isinasaysay ng kalawakan.+   Sa araw-araw ay bumubukal ang pananalita,+ At sa gabi-gabi ay natatanghal ang kaalaman.+   Walang pananalita, at walang mga kataga; Walang tinig nila ang naririnig.+   Sa buong lupa ay lumabas ang kanilang pising panukat,+ At ang kanilang mga pananalita ay hanggang sa dulo ng mabungang lupain.+ Sa kanila ay naglagay siya ng tolda para sa araw,+   At ito ay gaya ng kasintahang lalaki kapag lumalabas mula sa kaniyang silid-pangkasalan;+ Nagbubunyi ito gaya ng makapangyarihang lalaki sa pagtakbo sa isang landas.+   Ang paglabas nito ay mula sa isang dulo ng langit, At ang tapos ng pag-ikot nito ay sa kabilang mga dulo niyaon;+ At walang anumang nakakubli mula sa init nito.+   Ang kautusan+ ni Jehova ay sakdal,+ na nagpapanauli ng kaluluwa.+ Ang paalaala+ ni Jehova ay mapagkakatiwalaan,+ na nagpaparunong sa walang-karanasan.+   Ang mga pag-uutos+ mula kay Jehova ay matuwid,+ na nagpapasaya ng puso;+ Ang utos+ ni Jehova ay malinis,+ na nagpapaningning ng mga mata.+   Ang pagkatakot+ kay Jehova ay dalisay, na nananatili magpakailanman. Ang mga hudisyal na pasiya+ ni Jehova ay totoo;+ ang mga iyon ay lubos na matuwid.+ 10  Ang mga iyon ay higit na nanasain kaysa sa ginto, oo, kaysa sa maraming dalisay na ginto;+ At mas matamis kaysa sa pulot-pukyutan+ at sa umaagos na pulot ng mga bahay-pukyutan.+ 11  Gayundin, ang iyong lingkod ay nabababalaan sa pamamagitan ng mga iyon;+ Sa pag-iingat ng mga iyon ay may malaking gantimpala.+ 12  Mga pagkakamali—sino ang makatatalos?+ Mula sa mga nakakubling kasalanan ay ariin mo akong walang-sala.+ 13  Mula rin sa mga gawang mapangahas ay pigilan mo ang iyong lingkod;+ Huwag mong hayaang manaig sa akin ang mga iyon.+ Kung magkagayon ay magiging ganap ako,+ At mananatili akong walang-sala mula sa maraming pagsalansang. 14  Ang mga pananalita ng aking bibig at ang pagbubulay-bulay ng aking puso+ Ay maging kalugud-lugod nawa sa harap mo, O Jehova na aking Bato+ at aking Manunubos.+

Talababa