Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 17:1-15

Panalangin ni David. 17  Dinggin mo ang bagay na matuwid, O Jehova; bigyang-pansin mo ang aking pagsusumamo;+ Pakinggan mo ang aking panalangin na walang mga labing mapanlinlang.+   Mula nawa sa harap mo manggaling ang aking kahatulan;+ Masdan nawa ng iyong mga mata ang katuwiran.+   Sinuri mo ang aking puso, nagsiyasat ka sa gabi,+ Dinalisay mo ako; matutuklasan mong hindi ako nagpakana+ ng anuman. Ang aking bibig ay hindi sasalansang.+   Kung tungkol sa mga gawain ng mga tao, Sa pamamagitan ng salita ng iyong mga labi ay nag-ingat ako laban sa mga landas ng magnanakaw.+   Manatili nawa ang aking mga hakbang sa iyong mga landas,+ Na doon ay tiyak na hindi makikilos ang aking mga yapak.+   Ako mismo ay tumatawag sa iyo, sapagkat sasagutin mo ako, O Diyos.+ Ikiling mo sa akin ang iyong pandinig. Dinggin mo ang aking pananalita.+   Gawin mong kamangha-mangha ang iyong mga gawa ng maibiging-kabaitan,+ O Tagapagligtas niyaong mga nanganganlong Mula sa mga naghihimagsik laban sa iyong kanang kamay.+   Ingatan mo akong gaya ng balintataw ng mata,+ Ikubli mo nawa ako sa lilim ng iyong mga pakpak,+   Dahil sa balakyot na sumasamsam sa akin. Ang mga kaaway ng aking kaluluwa ay laging pumapalibot sa akin.+ 10  Binalutan nila ang kanilang sarili ng sarili nilang taba;+ Sa pamamagitan ng kanilang bibig ay nagsasalita silang may kapalaluan;+ 11  Kung tungkol sa aming mga hakbang, ngayon ay pinalibutan nila kami;+ Itinititig nila ang kanilang mga mata upang magbuwal sa lupa.+ 12  Ang kaniyang wangis ay tulad niyaong sa leon na nagnanasang manluray+ At tulad niyaong sa batang leon na nakaupo sa mga kubling dako. 13  Bumangon ka, O Jehova; harapin mo siya nang mukhaan;+ Payukurin mo siya; maglaan ka ng pagtakas para sa aking kaluluwa mula sa balakyot sa pamamagitan ng iyong tabak,+ 14  Mula sa mga tao, sa pamamagitan ng iyong kamay, O Jehova,+ Mula sa mga tao ng sistemang+ ito ng mga bagay, na ang kanilang bahagi ay nasa buhay na ito,+ At ang kanilang tiyan ay pinupuno mo ng iyong nakukubling kayamanan,+ Na nasisiyahan sa mga anak+ At nag-iimpok ng kanilang mga natira para sa kanilang mga anak.+ 15  Sa ganang akin, mamasdan ko ang iyong mukha sa katuwiran;+ Masisiyahan ako na sa paggising ay makita ang iyong anyo.+

Talababa