Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 16:1-11

Isang miktam ni David. 16  Ingatan mo ako, O Diyos, sapagkat nanganganlong ako sa iyo.+   Sinabi ko kay Jehova: “Ikaw ay si Jehova; ang aking kabutihan ay, hindi alang-alang sa iyo,+   Kundi para sa mga banal na nasa lupa. Nasa kanila, sa mariringal nga, ang aking buong kaluguran.”+   Ang mga kirot ay dumarami sa kanila na kapag may iba pa ay nagmamadaling sumunod sa kaniya.+ Hindi ko ibubuhos ang kanilang mga inuming handog na dugo,+ At hindi ko sasambitin ang mga pangalan nila sa aking mga labi.+   Si Jehova ang sukat ng aking takdang bahagi+ at ng aking kopa.+ Hinahawakan mong mahigpit ang aking kahinatnan.   Ang mga pising panukat ay nahulog para sa akin sa mga kaiga-igayang dako.+ Tunay ngang ang sarili kong pag-aari ay naging kaayaaya sa akin.   Pagpapalain ko si Jehova, na nagpapayo sa akin.+ Tunay nga, kapag gabi ay itinutuwid ako ng aking mga bato.+   Lagi kong inilalagay si Jehova sa harap ko.+ Sa dahilang siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos.+   Kaya nagsasaya ang aking puso, at ang aking kaluwalhatian ay nagnanais na magalak.+ Gayundin, ang aking sariling laman ay tatahang tiwasay.+ 10  Sapagkat hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol.+ Hindi mo pahihintulutang makita ng iyong matapat ang hukay.+ 11  Ipababatid mo sa akin ang landas ng buhay.+ Ang lubos na pagsasaya ay nasa iyong mukha;+ May kaigayahan sa iyong kanang kamay magpakailanman.+

Talababa