Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 15:1-5

Awitin ni David. 15  O Jehova, sino ang magiging panauhin sa iyong tolda?+ Sino ang tatahan sa iyong banal na bundok?+   Siyang lumalakad nang walang pagkukulang+ at nagsasagawa ng katuwiran+ At nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.+   Hindi siya naninirang-puri sa pamamagitan ng kaniyang dila.+ Sa kaniyang kasamahan ay wala siyang ginagawang masama,+ At hindi siya nagsasalita ng pandurusta laban sa kaniyang matalik na kakilala.+   Sa kaniyang mga mata ay talagang itinatakwil ang sinumang kasuklam-suklam,+ Ngunit yaong mga may takot kay Jehova ay pinararangalan niya.+ Sumumpa siya sa kaniyang ikasasama, at gayunma’y hindi siya nagbabago.+   Ang kaniyang salapi ay hindi niya ibinibigay na may patubo,+ At hindi siya tumatanggap ng suhol laban sa walang-sala.+ Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi kailanman makikilos.+

Talababa