Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 149:1-9

149  Purihin ninyo si Jah!+ Umawit kayo kay Jehova ng isang bagong awit,+ Ng papuri sa kaniya sa kongregasyon ng mga matapat.+   Magsaya nawa ang Israel sa kaniyang Dakilang Maylikha,+ Ang mga anak ng Sion—magalak nawa sila sa kanilang Hari.+   Purihin nawa nila ang kaniyang pangalan nang may sayawan.+ Tumugtog nawa sila para sa kaniya na may tamburin at alpa.+   Sapagkat si Jehova ay nalulugod sa kaniyang bayan.+ Pinagaganda niya ng kaligtasan ang maaamo.+   Magbunyi nawa sa kaluwalhatian ang mga matapat; Humiyaw nawa sila nang may kagalakan sa kanilang mga higaan.+   Mapasakanilang lalamunan nawa ang mga awit na dumadakila sa Diyos,+ At mapasakanilang kamay nawa ang isang tabak na may dalawang talim,+   Upang maglapat ng paghihiganti sa mga bansa,+ Ng mga pagsaway sa mga liping pambansa,+   Upang gapusin ng mga pampataw ang kanilang mga hari+ At ng mga pangaw na bakal ang kanilang mga maluwalhati,   Upang ilapat sa kanila ang nasusulat na hudisyal na pasiya.+ Ang gayong karilagan ay nauukol sa lahat ng kaniyang mga matapat.+ Purihin ninyo si Jah!+

Talababa