Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 148:1-14

148  Purihin ninyo si Jah!+ Purihin ninyo si Jehova mula sa langit,+ Purihin ninyo siya sa kaitaasan.+   Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga anghel niya.+ Purihin ninyo siya, ninyong lahat na hukbo niya.+   Purihin ninyo siya, ninyong araw at buwan.+ Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituin ng liwanag.+   Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit,+ At ninyong tubig na nasa ibabaw ng langit.+   Purihin nila ang pangalan ni Jehova;+ Sapagkat siya ang nag-utos, at sila ay nalalang.+   At pinananatili niya sila magpakailanman, hanggang sa panahong walang takda.+ Isang tuntunin ang ibinigay niya, at hindi iyon lilipas.+   Purihin ninyo si Jehova mula sa lupa,+ Ninyong mga dambuhalang hayop-dagat at ninyong lahat na matubig na mga kalaliman,+   Kayong apoy at graniso, niyebe at makapal na usok,+ Ikaw na maunos na hangin, na gumaganap ng kaniyang salita,+   Kayong mga bundok at kayong lahat na mga burol,+ Kayong mga namumungang punungkahoy at kayong lahat na mga sedro,+ 10  Kayong maiilap na hayop at kayong lahat na maaamong hayop,+ Kayong mga gumagapang na bagay at mga ibong may pakpak,+ 11  Kayong mga hari sa lupa+ at kayong lahat na mga liping pambansa, Kayong mga prinsipe+ at kayong lahat na mga hukom sa lupa,+ 12  Kayong mga binata+ at kayo ring mga dalaga,+ Kayong matatandang lalaki+ pati na ang mga batang lalaki.+ 13  Purihin nila ang pangalan ni Jehova,+ Sapagkat ang kaniyang pangalan lamang ang di-maabot sa kataasan.+ Ang kaniyang dangal ay nasa itaas ng lupa at langit.+ 14  At itataas niya ang sungay ng kaniyang bayan,+ Ang papuri ng lahat ng kaniyang mga matapat,+ Ng mga anak ni Israel, na bayang malapit sa kaniya.+ Purihin ninyo si Jah!+

Talababa