Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 147:1-20

147  Purihin ninyo si Jah,+ Sapagkat mabuti ang umawit sa ating Diyos;+ Sapagkat kaiga-igaya—ang papuri ay nararapat.+   Itinatayo ni Jehova ang Jerusalem;+ Ang mga pinangalat mula sa Israel ay tinitipon niya.+   Pinagagaling+ niya ang mga may pusong wasak,+ At tinatalian niya ang kanilang makikirot na bahagi.+   Tinutuos niya ang bilang ng mga bituin;+ Silang lahat ay tinatawag niya ayon sa kanilang mga pangalan.+   Ang ating Panginoon ay dakila at sagana sa kapangyarihan;+ Ang kaniyang unawa ay higit pa sa maisasalaysay.+   Pinagiginhawa ni Jehova ang maaamo;+ Ibinababa niya sa lupa ang mga balakyot.+   Tumugon kayo kay Jehova na may pasasalamat;+ Tumugtog kayo sa alpa para sa ating Diyos,+   Sa Isa na nagtatakip ng mga ulap sa langit,+ Sa Isa na naghahanda ng ulan para sa lupa,+ Sa Isa na nagpapasibol ng luntiang damo sa mga bundok.+   Sa mga hayop ay nagbibigay siya ng kanilang pagkain,+ Sa mga inakáy na uwak na laging tumatawag.+ 10  Hindi siya nalulugod sa kalakasan ng kabayo,+ Ni nakasusumpong man siya ng kaluguran sa mga binti ng tao.+ 11  Si Jehova ay nakasusumpong ng kaluguran sa mga may takot sa kaniya,+ Sa mga naghihintay sa kaniyang maibiging-kabaitan.+ 12  Papurihan mo si Jehova,+ O Jerusalem. Purihin mo ang iyong Diyos, O Sion.+ 13  Sapagkat tinibayan niya ang mga halang ng iyong mga pintuang-daan; Pinagpala niya ang iyong mga anak sa loob mo.+ 14  Naglalagay siya ng kapayapaan sa iyong teritoryo;+ Binubusog ka niyang palagi sa taba ng trigo.+ 15  Isinusugo niya ang kaniyang pananalita sa lupa;+ Mabilis na tumatakbo ang kaniyang salita. 16  Nagbibigay siya ng niyebeng tulad ng lana;+ Nagpapangalat siya ng nagyelong hamog na tulad ng abo.+ 17  Inihahagis niya ang kaniyang yelo na tulad ng maliliit na putol.+ Sa harap ng kaniyang lamig ay sino ang makatatayo?+ 18  Isinusugo niya ang kaniyang salita+ at tinutunaw niya ang mga iyon. Pinahihihip niya ang kaniyang hangin;+ Ang tubig ay pumapatak. 19  Sinasabi niya ang kaniyang salita sa Jacob,+ Ang kaniyang mga tuntunin+ at ang kaniyang mga hudisyal na pasiya sa Israel.+ 20  Hindi niya ginawa ang gayon sa alinpamang bansa;+ At kung tungkol sa kaniyang mga hudisyal na pasiya, hindi nila alam ang mga iyon.+ Purihin ninyo si Jah!+

Talababa