Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 146:1-10

146  Purihin ninyo si Jah!+ Purihin mo si Jehova, O kaluluwa ko.+   Pupurihin ko si Jehova sa buong buhay ko.+ Aawit ako sa aking Diyos hangga’t ako ay nabubuhay.+   Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga taong mahal,+ Ni sa anak man ng makalupang tao, na sa kaniya ay walang pagliligtas.+   Ang kaniyang espiritu ay pumapanaw,+ siya ay bumabalik sa kaniyang pagkalupa;+ Sa araw ring iyon ay maglalaho ang kaniyang pag-iisip.+   Maligaya siya na ang kaniyang pinakasaklolo ay ang Diyos ni Jacob,+ Na ang kaniyang pag-asa ay kay Jehova na kaniyang Diyos,+   Ang Maylikha ng langit at ng lupa,+ Ng dagat, at ng lahat ng naroroon,+ Ang Isa na nag-iingat ng katapatan hanggang sa panahong walang takda,+   Ang Isa na naglalapat ng kahatulan para sa mga dinadaya,+ Ang Isa na nagbibigay ng tinapay sa mga gutóm.+ Pinalalaya ni Jehova yaong mga nakagapos.+   Idinidilat ni Jehova ang mga mata ng mga bulag;+ Ibinabangon ni Jehova ang mga nakayukod;+ Iniibig ni Jehova ang mga matuwid.+   Binabantayan ni Jehova ang mga naninirahang dayuhan;+ Ang batang lalaking walang ama at ang babaing balo ay pinagiginhawa niya,+ Ngunit ang lakad+ ng mga balakyot ay binabaluktot niya.+ 10  Si Jehova ay maghahari hanggang sa panahong walang takda,+ Ang iyong Diyos, O Sion, sa sali’t salinlahi.+ Purihin ninyo si Jah!+

Talababa