Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 145:1-21

Isang papuri, ni David. א [Alep] 145  Dadakilain kita, O aking Diyos na Hari,+ At pagpapalain ko ang iyong pangalan hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+ ב [Bet]   Buong araw kitang pagpapalain,+ At pupurihin ko ang iyong pangalan hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+ ג [Gimel]   Si Jehova ay dakila at lubhang marapat na purihin,+ At ang kaniyang kadakilaan ay di-masaliksik.+ ד [Dalet]   Papupurihan ng sali’t salinlahi ang iyong mga gawa,+ At ipahahayag nila ang tungkol sa iyong makapangyarihang mga gawa.+ ה [He]   Ang maluwalhating karilagan ng iyong dangal+ At ang tungkol sa iyong mga kamangha-manghang gawa ay pagtutuunan ko ng pansin.+ ו [Waw]   At magsasalita sila tungkol sa kalakasan ng iyong mga kakila-kilabot na bagay;+ At tungkol naman sa iyong kadakilaan, ipahahayag ko iyon.+ ז [Zayin]   Sa pagbanggit ng kasaganaan ng iyong kabutihan ay mag-uumapaw sila,+ At dahil sa iyong katuwiran ay hihiyaw sila nang may kagalakan.+ ח [Ket]   Si Jehova ay magandang-loob at maawain,+ Mabagal sa pagkagalit at dakila sa maibiging-kabaitan.+ ט [Tet]   Si Jehova ay mabuti sa lahat,+ At ang kaniyang kaawaan ay nasa lahat ng kaniyang mga gawa.+ י [Yod] 10  Pupurihin ka ng lahat ng iyong mga gawa, O Jehova,+ At pagpapalain ka ng iyong mga matapat.+ כ [Kap] 11  Tungkol sa kaluwalhatian ng iyong paghahari ay mangungusap sila,+ At tungkol sa iyong kalakasan ay magsasalita sila,+ ל [Lamed] 12  Upang ipaalam sa mga anak ng mga tao ang kaniyang makapangyarihang mga gawa+ At ang kaluwalhatian ng karilagan ng kaniyang paghahari.+ מ [Mem] 13  Ang iyong paghahari ay isang paghahari sa lahat ng panahong walang takda,+ At ang iyong pamumuno ay sa lahat ng sunud-sunod na salinlahi.+ ס [Samek] 14  Si Jehova ay umaalalay sa lahat ng nabubuwal,+ At nagbabangon sa lahat ng nakayukod.+ ע [Ayin] 15  Sa iyo nakatingin nang may pag-asam ang mga mata ng lahat,+ At binibigyan mo sila ng kanilang pagkain sa kapanahunan.+ פ [Pe] 16  Binubuksan mo ang iyong kamay+ At sinasapatan mo ang nasa ng bawat bagay na may buhay.+ צ [Tsade] 17  Si Jehova ay matuwid sa lahat ng kaniyang mga daan+ At matapat sa lahat ng kaniyang mga gawa.+ ק [Kop] 18  Si Jehova ay malapit sa lahat ng tumatawag sa kaniya,+ Sa lahat ng tumatawag sa kaniya sa katapatan.+ ר [Res] 19  Ang nasa ng mga may takot sa kaniya ay kaniyang isasagawa,+ At ang kanilang paghingi ng tulong ay kaniyang diringgin, at ililigtas niya sila.+ ש [Shin] 20  Binabantayan ni Jehova ang lahat ng umiibig sa kaniya,+ Ngunit ang lahat ng balakyot ay lilipulin niya.+ ת [Taw] 21  Ang papuri kay Jehova ay sasalitain ng aking bibig;+ At pagpalain nawa ng lahat ng laman ang kaniyang banal na pangalan hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+

Talababa