Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 143:1-12

Awitin ni David. 143  O Jehova, dinggin mo ang aking panalangin;+ Pakinggan mo ang aking pamamanhik.+ Sa iyong katapatan ay sagutin mo ako sa iyong katuwiran.+   At huwag kang pumasok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod;+ Sapagkat sa harap mo ay walang sinumang buháy ang maaaring maging matuwid.+   Sapagkat tinugis ng kaaway ang aking kaluluwa;+ Dinurog niya ang aking buhay hanggang sa mismong lupa.+ Pinatahan niya ako sa madidilim na dako tulad ng mga patay hanggang sa panahong walang takda.+   At ang aking espiritu+ ay nanlulupaypay sa loob ko; Sa loob ko ay namamanhid ang aking puso.+   Naaalaala ko ang mga araw noong sinaunang panahon;+ Binubulay-bulay ko ang lahat ng iyong mga gawa;+ Kusang-loob kong itinutuon ang aking pansin sa gawa ng iyong mga kamay.+   Iniunat ko sa iyo ang aking mga kamay;+ Ang aking kaluluwa ay tulad ng lupaypay na lupain na nauuhaw sa iyo.+ Selah.   O magmadali ka, sagutin mo ako, O Jehova.+ Ang aking espiritu ay sumapit na sa kawakasan.+ Huwag mong ikubli sa akin ang iyong mukha,+ At baka ako ay maging kahambing niyaong mga bumababa sa hukay.+   Sa umaga ay iparinig mo sa akin ang iyong maibiging-kabaitan,+ Sapagkat sa iyo ako naglalagak ng aking tiwala.+ Ipaalam mo sa akin ang daan na dapat kong lakaran,+ Sapagkat sa iyo ay itinaas ko ang aking kaluluwa.+   Iligtas mo ako mula sa aking mga kaaway, O Jehova.+ Ako ay nagkukubli sa iyo.+ 10  Turuan mo akong gawin ang iyong kalooban,+ Sapagkat ikaw ang aking Diyos.+ Ang iyong espiritu ay mabuti;+ Patnubayan nawa ako nito sa lupain ng katuwiran.+ 11  Alang-alang sa iyong pangalan,+ O Jehova, ingatan mo nawa akong buháy.+ Sa iyong katuwiran+ ay hanguin mo nawa ang aking kaluluwa mula sa kabagabagan.+ 12  At sa iyong maibiging-kabaitan ay patahimikin mo nawa ang aking mga kaaway;+ At puksain mo ang lahat niyaong mga napopoot sa aking kaluluwa,+ Sapagkat ako ay iyong lingkod.+

Talababa